Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

John Lloyd Cruz is Armando in "I Love Betty La Fea"


John Lloyd Cruz is Armando in "I Love Betty La Fea"

John Lloyd Cruz is Armando in "I Love Betty La Fea"
Na-reveal na finally ang aktor na gaganap bilang Armando sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea sa The Buzz kahapon, August 17. Ito ay walang iba kundi si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na pormal na ipinakilala si Bea Alonzo na gaganap bilang Betty La Fea noong May 8 this year. Sumunod na ipinakilala ang magiging best friend ni Betty na si Nicholas na gagampanan ni Vhong Navarro. At hindi nagtagal ay ibinunyag na rin ang babaeng makakatapat ni Bea bilang Daniella na si Ruffa Gutierrez.

Sa dinami-rami ng mga kinunsidera at mahabang proseso, isiniwalat ni John Lloyd ang kanyang damdamin sa pagkakapili sa kanya bilang Armando.

"Nakakatakot, e. Na para sa isang project na ganito kalaki, nangangapa pa rin tayo. But I'm more than happy to be working again with Bea," saad ni John Lloyd.

Tinanong ng co-host ng The Buzz na si Boy Abunda kung sino ba si Armando Solis sa buhay ni Betty La Fea.

"Si Armando ay mapaglarong nilalang. Lagi siyang naghahanap ng adventure sa buhay niya," sagot ng young actor.

Malayo raw ito sa tunay na personalidad ni John Lloyd.

"Hindi yata, hindi yata ako adventurous," ngiti niya. "Si Armando kasi adventurous pagdating sa sports, somehow sa mga babae; ako hindi."

Inaabangan pa rin daw at pinananabikan ng mga manonood ang balik-tambalan nila ni Bea. Muli ay sinabi ni John Lloyd na hindi sila nagkaligawan ni Bea sa tagal ng pagsasama nila bilang magkapareha.

"It just didn't happen," sabi niya. "Kasi ayoko silang [fans] lokohin, magmula nang magsimula ang team-up namin ni Bea, walang pretentions. May girlfriend ako nang magsimula kami. Lahat ‘yan, naka-open sa publiko. Alam niya. So, yung tsansa ba, parang nalimitahan siguro.

"Hindi namin niloko ang audience namin. Hindi namin sila pinaniwala sa isang bagay na hindi nila dapat paniwalaan, kaya siguro tumagal ng ganito katagal. Hindi namin sila niloloko, pero alam namin kung paano sila pasayahin."

May mga panahon daw nung mga nakaraang taon na pinagdududahan ang kakayahan ni John Lloyd ‘pag hindi niya kasama si Bea.

"Siyempre six years yata kami magkasama ni Bea kami at kami lang. Dito sa pelikulang A Very Special Love [his movie with Sarah Geronimo], aaminin ko talagang sumugal ako. Kailangan ko itong pagkakataon na ito hindi lang para patunayan sa lahat ng tao na I can stand alone. Hindi yun ang motivation ko. Simple lang, gusto ko lang malaman."

Nagsalita rin si John Lloyd kung paano siya binago ng pagiging tanyag.

"Di ba, sinasabi nila sa mga artista, ‘O, huwag ka magbabago.' It's inevitable. Kailangan namin magbago kasi tao kami. Lagi ko lang tsine-check ang sarili ko pag-uwi ko, ‘pag may moments ako alone. ‘Sino ka ba?' I'm just me. Medyo mahirap i-describe kung sino ako. Ang hirap, hindi ko kayang sabihin sa inyo," lahad ng young actor.

Inilirawan din ni John Lloyd kay Boy ang konsepto niya ng kaligayahan at pag-ibig.

"Describe ko, ha," umpisa niya. "Ganito kadetalyado. Sunday, lunch. Kainan sa dahon with my whole family. Kuwentuhan, tawanan, catching up."

Pagdating sa pag-ibig, mas maingat na raw si John Lloyd.

"Siguro ngayon mas may pag-iingat. Hindi lang yung iniingatan mo yung sarili mo na huwag sumobra para rin ingatan yung taong yun."

Nagpasalamat din si John Lloyd sa mga taong nagtiwala, sumuporta, at nagmamahal sa kanya sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Sa ABS-CBN, si Reggie Pecayo who brought me to ABS-CBN para mag-talent. Walang hanggan ang pasasalamat ko sa inyong lahat. Alam ninyo kung sinu-sino kayo."

At bilang si Armano, nagpahayag din ng kanyang damdamin si John Lloyd.

"Dyusko! Hindi ako ito!" natatawang sabi ni John Lloyd. "Or siguro may ibang babaeng magsasabing ako nga ito. Pero abangan ninyo ho, malapit n'yo na akong mapanood ulit sa primetime kasama ng aking partner na si Bea."

Noong August 8, nag-pictorial na sina John Lloyd at Bea bilang Armando at Betty para sa I Love Betty La Fea.



Source: PEP








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: