Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

Joem Bascon stars in two new TV shows for different networks

Joem Bascon stars in two new TV shows for different networks

Joem Bascon stars in two new TV shows for different networks
Ang ganda na ng itinatakbo ng career ni Joem Bascon simula nang makitaan siya ng husay sa pag-arte sa pelikulang Batanes, kung saan siya nanalo ng Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards this year.

Nagsimula si Joem bilang isa sa mga bagong discovery sa show ng ABS-CBN na Let's Go, na later on ay naging Gokada hanggang sa makansela na ito sa ere. Ngayon ay dalawa ang bagong TV shows ni Joem sa magkaibang channels: I Love Betty La Fea sa ABS-CBN at Hush Hush sa TV5.

Wala naman daw conflict sa taping schedules ng dalawang shows dahil weekends ang taping niya for Hush Hush at weekdays naman ang sa Betty La Fea. Natutuwa nga si Joem dahil magkaiba ang mga papel niya sa dalawang shows at nagagamit niya ang kanyang mga napag-aralan sa pag-arte nang tama.

Sa I Love Betty La Fea, gagamapanan niya ang role ng babaerong kaibigan ni Armando na si Macario. Sa Hush Hush naman ay gagampanan niya ang role ng isang probinsiyanong nangangarap na maging isang sikat na artista.

"Ngayon lang ako naging sobrang busy sa TV. Before kasi isa-isa lang ang TV show ko at pa-guest-guest lang. Pero ngayon, dala-dalawa na at magkakaiba pa ang tema ng mga shows.

"'Tapos kapag nagsimula na ang reality-boxing show na Mano-Mano 2 ay baka sumali ulit ako. Nag-enjoy kasi ako sa pakikipag-compete sa boxing. Sana walang conflict kapag nagsimula na sila," saad ni Joem.

Bukod sa mga nabanggit na shows, napapanood din si Joem sa dalawa pang ABS-CBN shows—ang afternoon soap na Ligaw Na Bulaklak at ang primetime series na My Girl.

Marami ring ginulat si Joem sa sobrang sexy na billboard niya for Folded & Hung sa EDSA. Siya raw mismo ang hindi makapaniwala na malakas ang naging impact ng billboard niyang ‘yon.

"Masyado nga raw mainit!" sabay tawa niya. "Noong una ngang itinayo ‘yon, marami ang nag-text sa akin. Ang lakas daw ng dating ng billboard. Pero ngayon, ibinaba na nila at pinalitan na. Ang nakakatawa, ang daming nagre-request na itayo nila ulit. Depende ‘yon sa Folded & Hung."

Magtutuluy-tuloy ba siya sa pagpapa-sexy since nasimulan na niya ito sa ini-endorse niyang clothing wear?

"Depende naman sa project, e," sagot ni Joem. "Kung magiging malaking tulong ito sa career ko, why not? Dapat ay may katuturan ang pagpapa-sexy ko at hindi yung basta ginawa ko lang. Kailangang buong pagtitiwala ko ay nasa ginagawa ko."

Huling napanood si Joem sa indie film na Adela. Baka may simulan daw siyang bagong indie film na may titulong Kalayaan na ididirek ni Adolf Alix Jr.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: