Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Jericho Rosales nanigas ang paa nang makita si Kristine

Jericho Rosales nanigas ang paa nang makita si Kristine

Kung si Anne Curtis, mag-aaral ng malalalim na Tagalog bilang paghahanda sa role niya sa pelikulang Baler ng Viva Films, ang kaparehang si Jericho Rosales ay magpapapayat at ikondisyon na ang sariling kumain ng dagang-bukid at mag-aral ng Spanish.

“Dapat payat ako’t ang role kong half-Indio at half-Spanish soldier ay madalas ‘di kumakain at requirement ni direk Mark (Meily), magpapayat ako. I’m 155 lbs., now, mga 10 lbs. siguro ang kailangan kong bawasin. Big project ito, first time ko sa Viva Films, first period film ko at first time ko with direk, excited ako,” sabi ni Jericho.

Welcome kay Jericho na maka-pareha si Anne Curtis na sa ASAP lang niya nakakasama. After this movie, tiyak na hindi na lang “hi” at “hello” ang kanilang batian. Entry sa Metro Manila Film Festival ang movie, kaya third week of August, magsu-shooting na sila.

Bukod sa movie niya with Anne, gagawin din ni Jericho sa Star Cinema ang comeback movie nila ni Kristine Hermosa next year, kasama si Gabby Concep­cion. Hindi nito nagustuhan ang na-present na story at kailangan pang ayusin, dahil gusto niyang maganda ang reunion movie nilang dalawa. Mauuna nilang gagawin ang teleserye sa ABS-CBN at mukhang handa na siyang maka-trabaho ang kanyang ex.

“Nagkita kami sa Star Magic Ball and it was crazy, pinasasayaw kaming dalawa. Nailang ako’t hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi ako makasayaw, nanigas ang mga paa ko. Nagkita rin kami ni Diether, pero okey kami noon,” kuwento ni Jericho.

Kung si Heart Evangelista iniiwasang mabanggit ang name ni Jericho, ang actor ay hindi. Wish nitong someday, maging magkaibigan sila, sa ngayon, may kirot pa sa puso niya ang break-up nila, pero unti-unti na siyang nakaka-recover.

Hindi na raw siya madalas nalulungkot, nakakapag-focus na uli siya sa kanyang trabaho at higit sa lahat, marunong na uli siyang ngumiti at tumawa.

“Sa ngayon, wala pa siyang kapalit sa puso ko, wala akong nililigawan at ‘di ako naghahanap. I know that someday, may darating na right girl for me. Iba pa rin siyempre ang may ka-share ka, may kausap at may nakakasama ‘pag wala kang trabaho,” sabi ni Jericho.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: