Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Jericho Rosales mahal na mahal pa rin si Heart


Jericho Rosales mahal na mahal pa rin si Heart

Jericho Rosales

INAMIN ni Jericho Rosales that he is still hurting.

Yes, from his break-up with Heart Evangelista, who was his girlfriend for almost three years.

Nangangahulugan ba itong mahal na mahal pa rin niya si Heart?

“I will be telling a lie if I say na hindi na because I do feel na mahal na mahal ko pa rin siya,” ang kanyang maliksing sagot.

Eh, si Heart, feel ba niya, mahal pa rin siya nito?

“I guess, oo naman,” muli, tugon ni Jericho. “Sabi ko nga, three years din kaming naging mag-on. At hindi birong sakit ang pinagdaanan namin during the first year of our relationship. But as you all know, we were able to hurdle it. And how!”

With Heart, pag-amin ni Jericho, naisip niya ang magkaroon ng isang ideal at masayang pamilya. Feeling niya raw kasi, natagpuan niya kay Heart ang babaing ’di lang niya puwedeng ipagmalaki bilang asawa, kung hindi bilang ina rin ng kanilang mga magiging anak.

Nakalipat na raw si Jericho sa bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City na plinano nila ni Heart na kanilang magiging tahanan.

“It’s a beautiful house,” ani Jericho. “But somehow, I feel that something is lacking. Pero, saka ko na iyan pag-iisipan. Meantime, trabaho muna ang aatupagin ko.”

* * *

We were able to talk with Jericho sa presscon ng Baler, Metro Manila Filmfest entry ng Viva Films.

It’s a period movie, aniya, at excited siya dahil sa script pa lamang daw, gandang-ganda na siya.

Since the story of Baler supposedly took place during the Spanish occupation, maraming eksena na kinakailangan niyang mag-dialogue in Spanish. Ganundin si Anne Curtis, with whom he is teamed up with for the first time in the movie.

Would you believe na kahit both of them work sa ABS-CBN, ’di pa rin sila nagkakatambal sa kahit na anong show ng Kapamilya network?

“Viva will provide us with a Spanish instructor. I’m eager to learn the language,” ani Jericho.

Baler spells many “firsts” for Echo. It’s his first historical movie, first with Viva Films, Direk Mark Meiley and Phillip Salvador, who plays Anne’s father in the film.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: