Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Jericho Rosales at Piolo Pascual mag-produce ng movie

Jericho Rosales at Piolo Pascual mag-produce ng movie

Written by Nitz Miralles

Jericho Rosales

NAPANSIN NAMIN ANG lungkot kay Jericho Rosales nang amining nakalipat na siya at sa magandang bahay niya sa Loyola Grand Villas na siya nakatira. Bukod sa pagsasabing malapit ang bahay niya sa bahay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, wala na siyang ibinigay na detalye sa ipinagawang bahay.


Inamin naman ni Jericho na hindi pa siya totally naka-recover sa break-up nila ni Heart Evangelista, but at least, hindi na siya masyadong nalulungkot, nakakapag-focus na siya sa trabaho at nakakangiti na raw siya.


Kailangan naman talagang mag-focus sa trabaho si Jericho at sunud-sunod ang project niya. Isa rito ang pelikulang Baler na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival at makakapareha niya si Anne Curtis.


Tinatapos din niya ang teleserye na co-production ng ABS-CBN at Malaysian producer and in fact, sa September, babalik siya sa Malaysia para sa mga natitirang eksena. May gagawin din silang teleserye at pelikula ng ex-girlfriend niyang si Kristine Hermosa.
Balak din nilang mag-produce ng movie ni Piolo Pascual next year at excited na siya sa kalalabasan ng collaboration nilang magkaibigan. And by next year, itutuloy na rin ni Jericho ang pangarap na maging record producer.



Source: Pinoy Parazzi





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: