Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Jennica Garcia slated to do three movies and one TV show

Jennica Garcia slated to do three movies and one TV show

Jennica Garcia slated to do three movies and one TV show
Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennica Garcia sa premiere night ng Loving You, kung saan isa sa mga bida ng movie ang ina niyang si Jean Garcia kapareha ni Polo Ravales, last Sunday, August 17, sa SM Megamall.

Kahit nasa showbiz na siya, mahiyain pa rin si Jennica dahil nang sabihan ng road manager niyang batiin si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, nag-alangan ang dalaga dahil nahihiya at baka hindi raw siya pansinin. Pero nang makita siya ng producer, ito pa ang unang bumati with matching mention ng kanyang name.

Masaya si Jennica dahil hindi pa man tapos ang Ako Si Kim Samsoon, may next project na siya sa GMA-7. Join sila ng ka-love team niyang si Mart Escudero sa cast ng Gagambino and last Monday, August 18, um-attend siya sa acting workshop ng buong cast na ipinatawag ni Direk Topel Lee bilang preparasyon sa taping na magsisimula bago magtapos ang buwang ito.

Tatlong pelikula rin ang naka-lineup na gawin ni Jennica at schedule na lang ang hinihintay. Ang mga ito'y ang Shake, Rattle & Roll X at Goddess ng Regal Entertainment at One True Love ng GMA Films na pagbibidahan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Iza Calzado.

Ano ang masasabi niya sa sunud-sunod niyang projects?

"Masayang-masaya ako at hindi ko ini-expect na magiging busy ako ng ganito at maa-appreciate ng producers at fans ang ginagawa ko. Nagpapasalamat ako sa mga nagtitiwala sa akin at lagi kong sinusunod ang paalala ng mom ko to just enjoy my work and always do my best. Ang sarap nga ng feeling ‘pag naririnig kong sinasabing maganda ang ginawa ko at pangako, lalo ko pang pagbubutihin ang trabaho ko," sabi ni Jennica nang makausap siya ng PEP pagkatapos ng premiere night ng Loving You.

Ipinarating namin kay Jennica na very proud si Jean sa kanya dahil kahit baguhan lang ay mahusay nang umarte at marami ang nagkakagusto sa kanya. May ilang viewers ng Ako Si Kim Samsoon na kaya lang nanonood dahil sa kanya't aliw sa character niyang umaarteng mayaman at sa husay mag-comedy.

"Talaga, very proud sa akin ang mom ko?" bulalas niya. "Ang sweet naman, mana lang ako sa kanya. Pero totoong siya ang number one critic ko at sinasabi niya sa akin kung ano ang kulang o mali sa ginagawa ko. Ang dream ko pa rin ay magkasama kami sa isang project. Masaya siguro yun."

Wala pa ring bago sa sagot ni Jennica tungkol kina Jean at Polo. Basta kung saan daw masaya ang ina, hindi siya hahadlang. Magre-react lang daw siya ‘pag nasaktan ang ina at dun uli siya magpapaka-ina rito. Minsan daw, mas nanay pa ang thinking niya kesa kay Jean at nakikinig naman daw ito sa kanya lalo na ‘pag tama siya.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: