Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

JC de Vera reacts to report that screen partner Yasmien Kurdi will quit showbiz

JC de Vera reacts to report that screen partner Yasmien Kurdi will quit showbiz

JC de Vera reacts to report that screen partner Yasmien Kurdi will quit showbiz
Successful ang naganap na premiere night ng latest movie ng Regal Entertainment at Studiomax, ang Loving You, last Sunday, August 17, sa SM Megamall. Puno ang sinehan at panay ang tilian ng audience sa mga sweet moments ng apat na pares sa pelikula na sina Jean Garcia & Polo Ravales, Yasmien Kurdi & JC de Vera, Aljur Abrenica & Kris Bernal, at John Prats & Ehra Madrigal.

After ng premiere night, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview ang isa sa mga bida at una sa billing ang pangalan na si JC sa Max's restaurant sa SM Megamall.

"Hindi naman po talaga ako ang bida, front line lang," humble na pahayag ni JC nang kunin namin ang reaksiyon niya sa pagkakauna ng pangalan niya sa billing.

Sa love story kasi nila ni Yasmien nagtapos ang movie at sila rin ang may pinakamaraming dramatic highlights.

"Actually, group effort po talaga. Kinausap na kami ni Direk [Don Cuaresma] na mag-focus kami sa mga love teams talaga. Kumbaga, competition yun, e. Competition yun ng mga love teams talaga sa whole movie. Kaya ang ginawa namin, kailangan pagbutihin mo yung story nung isa. So, group effort po talaga lahat," saad ni JC.

Ano ang feeling na mas malaki ang exposure ng tambalan nila ni Yasmien sa Loving You?

"Masaya naman po ako," sagot ng young actor. "Happy ako sa reaction ng mga fans, ng mga nanonood. Actually, hindi lang po sa amin pati na kina Aljur at Kris, kay Polo at kay Ms. Jean."

May pressure ba sa love team nila ni Yasmien ang pagpapalabas ng Loving You?

"Hindi po. Hindi naman po. Actually, very balanced naman yung movie. May drama side, may comedy side. Kaya nandiyan si Sweet [John Lapus] for comedy, comic relief, parang ganun."

SOLO MOVIE. Sa tingin niya handa na siyang magkaroon ng solo launching movie?

"Well, kung bibigyan ako ng chance, oo," sagot niya. "Kakayanin ko yun, pero hindi naman ako nagmamadali. And hindi rin naman ako nagmamadali na magkaroon ng solo na movie."

Ano namang klaseng movie ang gusto niyang gawin for his solo launching movie?

"Depende. Siguro something different, medyo dark, mga ganun. Kailangan ng acting skills talaga. Kasi kapag yung mga love stories kasi, ano lang yun, e, kilig-kiligan lang ‘yon, e."

YASMIEN TO QUIT SHOWBIZ? Ano ang reaksiyon niya sa balitang titigil na raw sa pag-aartista si Yasmien?

"Ah, narinig ko na po yun. Well, sad, kasi kumbaga trinabaho na niya na makarating sa ganyang posisyon, e. Kumbaga, from StarStruck hanggang ngayon, trinabaho na niya, ‘tapos bigla siyang mawawala, di ba?

"Parang if kung ako ang nasa lugar niya, given that chance, e, mas maganda siguro grab ka lang nang grab, e. Parang kumbaga, make the most out of it habang nandiyan. Yun yung sa akin. Ewan ko sa kanya kung naiisip ba niya yun."

After Loving You, gagawin ni JC ang bagong version ng trilogy horror movie ng Regal para sa 2008 Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll X. This time, sa pagkakaaalm ni JC, hindi si Yasmien ang makakasama niya sa movie.

Ngayon pa lang ay tiniyak na ni JC na malulungkot siya kapag tuluyan na ngang tumigil si Yasmien sa pag-aartista.

"Of course, malulungkot ako para sa kanya," pag-amin ni JC. "Siyempre, iba yung pinagsamahan namin. Pagdating sa work, hahanap-hanapin ko yun. Iba yung nakasanayan mo. One year kaming nagkatrabaho. Kumbaga, iba yun, e. Ibang usapan 'yon, e. Mangangapa ulit ako kay Rhian [Ramos]. Si Rhian yung susunod [na katambal], e. So, hindi ko talaga alam."

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Yasmien na hindi naman niya totally iiwan ang showbiz. Mapapanood pa rin naman siya sa ilang mga programa ng GMA-7 habang nag-aaral.

JC ON JAKE. May nagtanong din kay JC tungkol naman sa relasyon niya ngayon sa dating close friend na si Jake Cuenca. May nagsasabi kasi na yumabang na si Jake.

"Ngayon hindi na kami nagkikita. Last time nagkita kami nung fashion show ng Bench," lahad ni JC.

Napansin ba niya ang paglaki raw ng ulo ni Jake, ayon sa dati rin nitong kaibigan na si Andrew Schimmer?

"Ah, wala, wala akong masasabi diyan. Actually, ayokong makisali doon. Kumbaga, kung away man nila ‘yon, away nila 'yon. Ako, out ako dyan.

"Nung lumipat si Jake sa ABS-CBN, nawalan na kaming ng contact. ‘Tapos nagkita kami in one event sa isang hotel event ata 'yun. Nag-usap kami. ‘Tapos catch things up, ‘tapos last time nung Bench. Well, actually, na-miss namin ang isa't isa. Kumustahan, ganyan-ganyan. ‘Sino ang bagong ano mo? Bagong work?'

"Ako naman, kung ano si Jake sa akin dati, ganun pa rin naman siya ngayon. Hindi siya nagyabang. Hindi ko alam sa ibang tao. Kasi sa akin naman, ako naman personally, mabait ako kay Jake. Wala akong masasabi kay Jake. At the same time, siya rin mabait sa akin. Wala kaming dapat ipagyabang sa isa't isa kasi magkasundo kami," saad ni JC.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: