Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

JC de Vera does not want to get involved in disagreements among Rhian's fans

JC de Vera does not want to get involved in disagreements among Rhian's fans

JC de Vera does not want to get involved in disagreements among Rhian's fans
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JC de Vera noong naglaro ito sa ball game na in-organize ni Dingdong Dantes para kumalap ng scholarship fund for Philippine Maritime Institute's (PMI) upcoming students. Naganap ito noong August 20 sa Rizal Coliseum.

Isa si JC sa mga nagpakitang-gilas sa paglalaro ng basketball, dahil mula sa napakalaking lamang ng PMI Admirals sa kanilang team noong simula, nagawa nilang makahabol at nag-tie pa sa score na 71 sa bandang huli. Sabi ni JC, hilig lang daw talaga niya ang paglalaro ng basketball.

"Noong high school ako, bago ako maging artista, player talaga ako sa [Colegio de] San Agustin. Ever since na maliit ako, naglalaro na ako ng basketball. At hanggang ngayon, basketball pa rin talaga ang favorite sport ko."

Sumasama raw talaga ito sa grupo nilang naglaro ng basketball, na kinabilangan din nina Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Marky Lopez, Arthur Solinap, Marco Alcaraz, at Luis Alandy. Kasama nga raw sana nila si Dingdong dito, kaso nasa New Jersey ang aktor.

"Naglalaro kami sa PMI campus sa Quezon City. Kung minsan naman, sa The Fort kami naglalaro. Itong grupo na ito, pati yung nakalaban namin, nag-i-invite kasi sila kung minsan every weekend. E, ako naman, gusto ko marami akong makikilala. Makaka-bonding ko rin ang mga ito. So, naglalaro talaga ako,"ang kuwento ng young actor.

Given his busy schedule, paano naman siya napapayag ni Dingdong na maglaro sa "play for a cause" activity ng leading man ni Dyesebel?

"Inimbitahan nga ako ni Dingdong kung gusto kong maglaro. Sa akin, wala namang problema. Basta ang sabi ko sa kanya, ‘Basta 'pag free ako, pare, maglalaro talaga ako. Kahit hindi mo ako i-remind, maglalaro pa rin ako.' Ganoon ako ka-addict, e. Then, ini-explain naman ni Dingdong kung para saan ang laro, kung ano ang gagawin, at siya nga ang nagsabi na maglalaro lang kami. So, masaya, di ba?"

Bukod sa basketball at showbiz, may bago nang pagkakaabalahan ngayon si JC. Masayang ibinalita nito na nagbalik-eskuwela na siya through U.P. Open University. Although alam daw niya na ilang taon bago raw siguro niya matapos ang first two years or ang general course, pagtitiyagaan na lang daw niya.

THE NEXT DRAMA PRINCE? Kasalukuyang palabas sa mga sinehan ang Loving You at natutuwa naman daw siya sa magandang review ng kanilang movie. After Loving You, nakalinya na rin ang TV series na La Loa, at ang Obra. Pero wala pa raw siyang ideya kung ano ang gagawin niya sa huli.

"Hindi pa kasi kami nagmi-meeting regarding Obra. Pero sabi nila last week of August, doon nila sasabihin sa akin kung ano ang gagawin kong talaga," ang sabi ni JC.

PEP asked JC kung nararamdaman ba niyang isa siya sa mga ginu-groom ng GMA-7 na maging Drama Prince.

"Hindi ko po alam," ang mabilis nitong sagot. Actually, thankful lang ako na bigay sila ng bigay sa akin at may natatanggap akong magagandang projects from GMA. Thankful lang ako...Pero yung tungkol sa drama prince, kapag inisip ko yun, magkakaroon lang ng pressure sa akin.

"Basta sa ngayon, happy ako...very happy. May mga bagay naman ako na hindi ko man nasasabi through words... Yun nga, gusto kong magpasalamat sa kanila dahil hindi naman lahat ng artista, nabibigyan ng importance. Hindi naman lahat nabibigyan ng project katulad ng sa akin. So, make the most out of it na lang. Kumbaga, galingan mo na lang."

May personal choice ba siya halimbawang papiliin siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa Obra?

Aniya, "Ako naman, open naman ako kahit kaninong director. Gusto ko yung palagi akong may natutunan. Ayoko ng nai-stuck ako sa isang director lang din. Siyempre, iba-iba ang approach ng mga director, eh. Kumbaga, marami kang matutunan sa iba't-ibang hahawak sa akin. So, yun nga, looking forward ako na sana makatrabaho ko yung magagaling na director para, at least, marami akong matutunan."

Hiningan din si JC ng reaction tungkol sa mga fans ni Rhian Ramos, ang makakapareha niya sa La Lola, na nag-aaway-away. How does he feel na sa kanilang dalawa ni Mark Herras, mas gusto raw siyang ka-love team ng young actress ?

"Ayokong makisali sa kanila. Basta ako, taga-tanggap lang din ako ng project. Happy ako na ako ang maipa-partner kay Rhian. Nabigyan ako ng chance ng GMA para magkaroon again ng primetime show," ang sagot ng talent ni Annabelle Rama.

Dugtong niya, "Yung tungkol kay Mark, magkaibigan kami niyan ni Mark. Actually, kanya-kanyang opinion lang naman ‘yan. Pero ang sa akin, sana huwag n'yo kong idamay. Siyempre ako, nagwo-work lang din naman ako.

"Kung ayaw talaga nila sina Mark at Rhian, wala rin naman silang magagawa kung maipagpa-partner sila, di ba?"

So far, wala raw siyang alam tungkol sa balitang nag-backout na si Mark sa La Lola. Kung siya raw kasi ang tatanungin, gusto raw niyang makatrabaho si Mark.

"Ngayon ko lang nga nalaman na tinanggal pala siya,"ang nagulat nitong sabi. "So, ang alam ko kasi, kasama talaga siya. Ka-triangle ko raw kasi, looking forward ako na makatrabaho ko lahat ng kasama ko sa GMA."

Bilang pagtatapos, nasabi ni JC na, "Ako kasi, ayoko ng sinasibihan na, ‘Ay, ayokong makatrabaho ‘yan, pangit ang ugali.' Hindi kasi ako ganoon, e... Baka mamaya, ako ang sabihan ng ganoon, ayoko nun."





Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: