Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

JC de Vera at Yasmien Kurdi, may ‘something’ na?!

JC de Vera at Yasmien Kurdi, may ‘something’ na?!
Written by Chit Ramos

yasmien and JC

Maitutulad si direk Don Cuaresma kay Direk Cathy Molina kung kilig at puro kilig ang pag-uusapan. Kapwa mula sa Kapamilya network ang dalawang ito. At kung naging blockbuster sa takilya ang A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na hanggang ngayon, pinipilahan sa takilya, siyempre, ito rin ang inaasahan ng bagong tatag na StudioMax at Regal Entertainment sa iso-showing nilang Loving You.


Unahin natin ang kilig mula sa tambalang JC de Vera at Yasmien Kurdi. Kung noong una, walang pisikal na katangiang nakikita si JC sa dating dyowa ni Rainier Castillo, sa muli nilang pagsasama ng dalaga sa Loving You, nakita na niya ang mayroon si Yasmien na wala sa dati niyang dyowa na si Michelle Madrigal.


Unang-una, mapagkakatiwalaan ang alaga ni kumareng Lolit Solis. Sa matagal na pagsasama nila sa isang afternoon serye, ni minsan, hindi ito nahuli ni JC na nakikipag-flirt sa iba. Nakatutok ito sa binata. Iba ang body language niya kapag kasama ang binata, at lalong iba (maingat) kapag ibang lalaki ang kausap o katabi nito.


Natuto ring magbawas ng timbang ang dalaga. Alam niya kung gaano kaguwapo si JC at kung gaano karami ang nagnanasa rito. Pawang magaganda ang katawan ng mga ito. Kahit hindi banggitin, alam ni Yasmien na kailangan namang mas mababa ang timbang niya kaysa binata. Alangan namang siya ang bumuhat dito, kaysa siya ang buhatin.


When they met again during the first shooting days of Loving You, appreciative na ang binata sa pagbabago ng dalaga. Halos matunaw nga ang dalaga sa bawat pagtitig ng binata. Nang nakawan siya ng halik ni JC habang ini-interview sa TV, amoy na amoy na agad sa paligid na may “something” nang mamamagitan sa kanila.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

ano ito GIMIK na naman! kakasawa na sila