Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Jay-R mukhang suman?


Jay-R mukhang suman?

Jay-R Siaboc

Gusto na naming hilahin ang Sabado, August 30, dahil sa gabing yun ay sabay-sabay na naming mapa­pa­nood sa isang show ang tatlo sa pinakamahuhusay nating balladeers.

Perpekto ang line-up dahil ang magkakasama sa isang show na gaganapin sa Metro Bar ay sina Richard Poon, Ronnie Liang at Mark Bautista. Tatlo sila sa mga ipinagmamalaking performers ng ASAP ’08, pagdating sa pagkanta ay wala nang makaku­kuwes­tiyon sa tatlong ito.

Pare-pareho silang balladeers, pero may kani-kanya silang atake, si Richard Poon ay kilalang-kilala sa pagkanta ng mga standard songs, si Ronnie naman ay nang-iwan na nang milya-milya sa kanyang mga kakontemporaryo, at si Mark Bautista kapag kuma­kanta ay wala ka nang gagawin pang iba kundi ang mapatulala na lang sa ganda ng boses ng binatang ito.

Tamang-tama, dumating ang mga kaibigan at kaklase namin sa kolehiyo mula sa mga bansang matagal na nilang itinuturing na pangalawang mundo, ang isa sa kanila ay loyalista ni Mark Bautista, nung mag-show raw kasi ang magaling na singer sa kanilang lugar sa Amerika ay nabitin sila.

Gustong-gusto naman si Richard Poon ng isang kaklase naming naninirahan na sa Toronto, hindi pa raw nakararating sa kanila ang balladeer, pero napapanood naman nila si Richard sa TFC.

Regular ding napapanood ng mga kaibigan namin sa TFC si Ronnie Liang, saludo sila sa binata, dahil sa dinami-dami nilang produkto ng PDA ay sila lang yata ni Yeng Constantino ang nagpakita ng katatagan ng career.

“Ang taba-taba na ni Jay-R Siaboc, mukha na siyang suman,” pagpuna pa ng mga balikbayan naming kaibigan.

Nag-reunion na kaming magkakaibigan nung Lunes nang gabi, pero itutuloy uli namin yun sa Sabado sa Metro Bar, sa concert ng mga guwapong balladeers ng ating bayan ngayon.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: