Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Iza Calzado, sobrang ingat sa desisyon kaya ‘di pa nagpapakasal!

Iza Calzado, sobrang ingat sa desisyon kaya ‘di pa nagpapakasal!
Written by Pilar Mateo
Iza Calzado

KAHIT HINDI MISMONG araw na ng kanyang kaarawan, itinuloy ni Iza Calzado ang pagse-celebrate niya sa mga kabataang may sakit sa dugo sa Philippine Children’s Medical Center pagkatapos nitong makipag-lunch sa ilang members ng media sa Secret Café ni Fanny Serrano.


Naantala rin ang proyekto ni Iza for GMA Films kung saan kasama siya sa isang love triangle sa One True Love, nang gumawa siya ng The Echo sa ibang bansa.


For her birthday, ang hiling lang ni Iza ay ang maging tama ang lahat ng desisyon niya, ultimo raw sa pinakamaliit na bagay, gaya ng pagpili ng sapatos na bibilhin n’ya. Hindi naman daw masasabing perfectionist siya. Pero sana nga lang daw, maiwasan niya ang magkamali, lalo na sa mga bagay na kailangan talaga ang masusing desisyon.


Kaya, hindi pa naman nababahala ang kanyang butihing amang si Lito Calzado na any moment eh, magpapaalam na sa kanya ang dalaga para magpakasal sa boyfriend nitong si Jerry Garcia.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: