Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Iza Calzado confident of fair treatment in movie with Dingdong and Marian

Iza Calzado confident of fair treatment in movie with Dingdong and Marian

Iza Calzado confident of fair treatment in movie with Dingdong and Marian
Hindi na mawawala pa sa eksena ang aktres na si Iza Calzado. Sa paglulunsad kay Iza bilang endorser ng Pink Soda sa Secret Cafe ni Fanny Serrano sa Sct. Rallos, Quezon City, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluy-tuloy na sa pagbongga ang career ng aktres.

"Sinabihan na ako ng GMA-7 na may follow-up na ang exposure ko sa Joaquin Bordado. Natutuwa sila sa resulta ng telserye, at itong susunod na lalabasan ko, it will be something different. Hindi pa puwedeng magsabi ng detalye hangga't wala pang go-signal," banggit ng aktres.

Pero sorpresa rin daw kay Iza ang detalyeng magte-taping sa Amerika para sa ilang eksena ang sasalihan niyang bagong teleserye. Wala pa namang nasasabi ang GMA-7 sa kanya tungkol dito, kaya mas mabuti nga namang maghintay na lang siya. Pero ang alam niyang isu-shoot niya sa Amerika ay ang team-up movie nila ni Gabby Concepcion, na ayon sa kanya, aayusin lang ang script at schedule, matutuloy na rin daw.

"Marami ngang magagandang nangyayari sa career ko. Isa na ang project na pagsasamahan namin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. It's going to be a movie na ididirek ni Mac Alejandre for GMA Films," banggit ni Iza.

Hindi kaya madehado siya sa proyektong 'yan dahil hot ang team-up nina Marian at Dingdong? Baka magmukhang paningit lang siya?

"Naku, hindi naman siguro! Pero alam kong hindi ako madedehado. I must be aware that their team-up is so popular, pero alam kong hindi naman ako basta lalabas lang na kontrabida sa kanila. Hindi rin ako basta binibigyan sa ngayon ng contravida role. Eventually, perhaps, pero kahit kontrabida, wala akong mairereklamo. Basta may impact, at hindi yung magiging kawawa lang ako," pahayag ni Iza.

Nag-celebrate siya ng birthday niya noong August 12, pero parang hindi siya masyadong binigyan ng importansiya ng GMA-7.

"That's not true. On that day lang kasi, kailangang mag-work ako. Nag-taping ako ng Chef to Go for QTV-11, at kinagabihan, kasama ko ang boyfriend ko [Jerry Garcia]. We had dinner.

"Okey lang sa akin yun. Hindi naman ako naghahangad na parang isasali pa ako sa birthday concert nina Marian at Dingdong sa Araneta Coliseum. Ano naman ang gagawin ko doon? Marian and Dingdong deserve that, and let's give that to them since they are the hottest love team now," pagtatapos ni Iza, na binigyan din naman ng birthday celebration sa SOP noong August 10.



Source: PEP







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: