Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Isabel, natawa sa paghuhubad ni Paolo

Isabel, natawa sa paghuhubad ni Paolo
DSC_1058

GOING strong pa rin ang 2 years and 8 months na relasyon nina Paolo Contis at Isabel Oli, kahit medyo nagrereklamo si Paolo na madalas wala rito sa bansa ang kanyang nobya.
Nasa Singapore kasi ang family ni Isabel kaya pag walang trabaho rito ang dalaga ay lipad agad ito ng Lion City para makasama ang pa­milya.
Pero ayon kay Paolo, ngayon ay napilitang bumalik agad si Isabel dahil kasama ito sa bagong telefantasya ng GMA na Gagambino (pagbibida­han ni Dennis Trillo).

Mga ilang araw nang hindi nakikita ni Pao si Isabel dahil nasa Singapore ulit ito. So, anong ginagawa niya pag wala sa bansa ang syota niya?
“Syempre, puro kalokohan na ‘yon! Talagang inamin ko, di ba? Ha! Ha! Ha! Hindi, alam naman niya ‘yon. Siya rin naman, merong iba, eh! Charing!!! He! He! He!
“Hindi, alam niya lahat ng pinupuntahan ko. May Globe Tracker yata ‘yun, eh!” natatawang sey ni Paolo nang matsika namin siya kahapon sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA kung saan natoka siyang host ng World Records tuwing Martes nang gabi (simula sa Agosto 19).

So, behaved siya pag wala rito ang GF niya?

“Oo, at saka ako kasi, pag wala si Isabel, wala akong pinupuntahan. So, after kong mag-gym, umuuwi na lang ako. Pero minsan, umiiyak s’ya! Pinapaiyak ko! Ha! Ha! Ha!” hirit pa ng palabirong si Paolo.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: