Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Hindi raw marunong magmaltrato ng kasamabahay si Kris Aquino

Hindi raw marunong magmaltrato ng kasamabahay si Kris Aquino
Written by Melchor Bautista

ANG LAKAS TALAGA ng dating at impluwensiya ni Kris Aquino sa maraming tao rito sa showbiz, dahil na rin ito sa kakaiba niyang pagdadala ng kanyang personality, dahil nga bunsong anak siya ng mga kilalang tao na sina dating Pangulong Cory Aquino at yumaong bayaning si Ninoy Aquino. Marami kasing mga katangian si Tetay na mamahalin at mapupuri mo. Pero bilang tao, mayroon din siyang ugali na pagtitiisan mo, dahil mahal mo siya sa pagiging Kris Aquino niya.


Sobrang generous daw talaga si Kris sa mga tao sa paligid niya na mahal niya talaga. Mahilig siyang magbigay nang magbigay ng kung anu-anong bagay kahit na mamahalin pa ang mga iyon, kapag feel niya ang isang tao. Pero kapag daw mayroon siyang hindi nagustuhan sa isang tao, honest nitong sinasabi na hindi niya kakausapin at hindi bibigyan ng kahit ano, basta honest siya sa kanyang sarili na ayaw niya sa taong iyon.


Hindi raw matapobre si Kris. Napakahilig niyang magluto ng mga masasarap at mamahaling mga pagkain. Pero pinupuri siya ng mga nagmamahal sa kanya, dahil sa katangian niyang hindi nagmamaltrato ng mga kasambahay. Kung ano raw ang masasarap na pagkain ng pamilya ni Tetay, ‘yun din daw ang mga pagkain na kinakain ng kanilang mga katulong sa bahay. Taliwas ito sa iniisip ng ibang tao na nagmamaltrato siya ng mga katulong nila, dahil bratinela siya.

Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: