Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

HINDI PA RIN talaga maayos ang takbo ng isip ni L

HINDI PA RIN talaga maayos ang takbo ng isip ni LT
Written by Lolit Solis

LORNA TOLENTINO (photo by Ver Paulino)

HINDI PA RIN talaga maayos ang takbo ng isip ni Lorna Tolentino kaya mabuting ituloy nga nito ang pilgrimage nilang mag-anak sa Holy Land para makapagmuni-muni at pag-isipan nang mabuti kung aling offer ng dalawang TV network ang tatanggapin niya.


Maganda ang alok ng ABS-CBN 2 at ganundin sa GMA 7, pero mas pinag-uusapan nang malamang na sa Dos daw si LT. Pero araw-araw, paiba-iba ang desisyon niya kaya mabuting doon muna siya sa Holy Land mag-concentrate at pagbalik dito, definite na siguro ang desisyon niya kung alin ang tatanggapin niya.


Sa August 13 ang alis ni LT kasama ang dalawa niyang anak at kapatid at pinaghahandaan nila ito nang husto. Pagbalik dito, talagang back to work na raw siya at doon na raw niya sasabihin kung saan na talaga siya magtatrabaho.


Bago umalis sina LT, nakapagtrabaho naman ito dahil may ginawa na siyang commercial sa DSL ng PLDT na lumalabas na yata ngayon.



Source: PINOY PARAZZI




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: