Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Hindi na itinuturing na ‘anak’ ni Kuya Germs si Billy Crawford!

Hindi na itinuturing na ‘anak’ ni Kuya Germs si Billy Crawford!
Written by Ambet Nabus
billy_crawford4

SANDALI NAMING NAKATSIKAHAN si Kuya Germs (Moreno) sa lobby ng GMA 7 last Sunday habang naghihintay kami ng aming sundo for the Pinoy Idol coverage.


Tuwang-tuwa pa rin ito sa naging gesture ni Lea Salonga na nagbahagi ng kanyang mga kuwento tungkol sa That's Entertainment days niya sa isang kolum nito sa broadsheet.
"Nakakataba ng puso. Sa estado niyang iyan, vivid pa rin niyang naalala ang lahat. Saludo ako sa kanya. Hindi kagaya ng iba diyan, mga walang utang loob," ang nasabi ni Kuya Germs na kilala naman nating lahat bilang mentor ng karamihang mga artista sa showbiz.


Then sumegue naman kami sa naging gesture sa kanya ni Sharon Cuneta during her concert sa Araneta Coliseum.


"Hindi ko rin inaasahan ‘yun dahil anong magagawa ko kung sa gilid pala ‘yung naibigay na tiket sa amin ni Vina (Morales). Pero aprreciated ko ‘yung ginawa niyang hanapin ako at palipatin kung saan nakaupo sina Vic del Rosario at pamilya nila ni Senador Kiko (Pangilinan)," kuwento pa ni Kuya Germs.


Although pareho naming napuna ni Kuya Germs na medyo mahahaba ang mga litanya ni Shawie, over-all naman ay maganda ito at maayos.


"Kaya lang, may mga detalye talagang iniwasan ang show. Nagpasalamat naman ako na sa spiel ni Sharon ay sinabi niyang sa akin siya nagsimulang mag-aral maging TV host, pero mas okey sana para sa akin kung talagang dun sa early footages ay naipakita talaga ang kanyang pinagmulan," hirit pa ni Kuya Germs.


Hanggang sa mapadako ang usapan namin sa status nila ng anak-anakan niyang si Billy Joe Crawford. "Naku, huwag na natin siyang pag-usapan. Para sa akin, hindi na siya mahalaga. Hindi siya nagma-matter."


"Pero kuya Germs, anak mo siya? Tampong tatay sa anak lang iyan?" Hirit pa namin.
"Hindi na, hindi ko na siya itinuturing na anak. Tapos na," ang medyo nag-ibang tinig na sagot sa amin ni Kuya Germs.




Source: Pinoy Parazzi




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: