Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

GMA-7's "La Lola" is turning out to be an all-star cast

GMA-7's "La Lola" is turning out to be an all-star cast
GMA-7's "La Lola" is turning out to be an all-star cast
Naging maingay ang balita na for Rhian Ramos's birthday gift from GMA-7 ay bibigyan siya ng kanyang first soap kung saan siya ang bida, at ito nga ang Argentine soap La Lola.

Ang La Lola ay kuwento ni Ramiro "Lalo" Padilla, ang chick-boy editor ng isang magazine na nakulam ng isang babaeng gumaganti sa kanya at naging isang babae rin kung kaya't naging si Dolores "Lola" Padilla siya. The Philippines is the fourth country to buy the rights for a local version of La Lola after Spain, U.S. (through the Fox Channel), and Belgium.

Tanging si Rhian lang ang ipinakita sa teaser AVP nito na lumabas kasabayan ng Codename: Asero ni Richard Gutierrez, Gagambino ni Dennis Trillo, at Survivor Philippines ni Paolo Bediones. As months passed since the first news outbreak, lumalaki ang cast, nagkakagulo, napapalitan, at nadagdagan that in the end, hindi na ito mukhang soap ni Rhian.

Ang unang nabanggit na addition ay si JC de Vera, na siyang napabalitang partner ni Rhian. Dahil wala pang nakakaalam at that point kung ano ang tunay na story of La Lola, it was presumed na siya ang magiging Lalo and that it would be a love story of Lalo and Lola, until a top matinee idol of GMA-7 entered the picture.

Ang pangatlong pangalang na-involve sa La Lola ay si Lovi Poe. Originally to star in the TV5 Lipgloss as Meg—na naibigay sa new star Saab Magalona—hindi nagkaayos ang schedule so she has to beg off. A new show was offered to Lovi that would be the first TV5 soap. But this time, hindi na siya napayagan ng GMA-7 at inilagay na lang siya sa La Lola together with former screen partner Marky Cielo.

With four young stars in the cast, nagulat kami na nadagdag na rin pala sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz in the main cast. So for sure, just like in their previous soap Babangon Ako't Dudurugin Kita, the two senior stars will get top billing over Rhian, JC, Lovi, and Marky.

Marvin is currently in the Sine Novela Gaano Kadalas ang Minsan and the Sunday anthology Dear Friend with Jolina Magdangal, samantalang magsisimula na si Angelika sa Sine Novela na kapalit naman ng magtatapos na Magdusa Ka, ang Una Kang Naging Akin kasama sina Alfred Vargas and Maxene Magalona.

As if the cast were not big enough, here comes a new twist—si Paolo Contis na ang gaganap ng title role na si Lalo in a special participation. Paolo was recently signed by GMA-7 as one of its new exclusive artists just after he accepted the TV5 show Midnight DJ. Sa ngayon, dalawa rin ang shows ni Paolo to get busy enough, Codename: Asero and World Records na part ng "Bilib Ka Ba Nights" under GMA's KiliTV banner.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: