Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 28, 2008

Gerald Anderson at Kim Chui --- Hihiramin Nang Regal Films, Kapag Hindi Natuloy Ang John Lloyd at Marian Tandem!!?

Gerald Anderson at Kim Chui --- Hihiramin Nang Regal Films, Kapag Hindi Natuloy Ang John Lloyd at Marian Tandem!!?
kimerald(kim and gerald)

Paborito pala ni Mother Lily Monteverde, sina Kim Chui at Gerald Anderson. Kaya naman if ever na hindi pumayag ang Star Cinema, na ipahiram si John Lloyd Cruz sa Regal Films, ay sina Kim at Gerald na lang ang hihiramin nila. Ayon pa sa aming source, ay noon pa gustong gawan nang pelikula ni mother lily ang dalawa noong ipinalalabas pa ang kaunaunahang teleserye na pinagbidahan nang dalawa. Ito ay ang "Sana Maulit Muli" na naging isang Phoenominal hit noong nakaraang taon! Tuwang tuwa din daw si mother, sa on going top rater teleserye nang dalawa na "My Girl" kung saan nalalapit na ang pagtatapos nito.

Isang "DRAMEDY" ang naiisip nang Regal, na proyekto, para sa dalawa. Gagastusan daw ito nang management, dahil we heard, na may mga eksenang kukunan sa ibang bansa para sa pelikulang ito, kung saka sakaling mahihiram nila sina Kim at Gerald. Si Direk Joel Lamangan o Direk Wenn Deramas ang kinukunsidira ni mother na magaing direktor nang proyekto.

Wala namang exclusive contracts sina Gerald at Kim sa Star Cinema, gaya nina Pilo Pascual, John Lloyd Cruz, Angel Locsin, Bea Alonzo, Claudine Barretto, Sam Milby, Toni Gonzaga, KC Concepcion, at iba pang kapamilya star. Kaya naman malaki ang tiwala nang Regal Films na mahihiram nila ang dalawang hottest young star nang bansa ngayon mula sa Star Cinema at Star Magic.

Ayon naman sa Star Magic, walang problema sa kanila, basta pumayag lang ang management. Gusto din nilang makita muna ang script nang naturang proyekto, na niluluto ni mother para sa dalawa nilang alaga na maiituring na malaki din ang iniimbak na pera sa istasyon. Una dahil sik sik sa advertiser ang kanilang soap opera. Padalwa, nag re rate, ito at tinatangkilik nang mga Pilipino, nationwide. Pangatlo ay kumita ang dalawang pelikulang ginawa nila na, kahit bumbagyo ay pinilahan pa din nang mga supporters nila. Saka, hindi lang mga teen agers at kabataan ang mga humahanga sa kanila, dahil maging mga matatanda ay paborito din sila.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

kaya may follow up na show sila kim and gerald nag shooting na sila for the new show