Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Gay na lover ni John Lloyd ang role ni Luis sa movie nila ng kanyang Mama Vi

Gay na lover ni John Lloyd ang role ni Luis sa movie nila ng kanyang Mama Vi
Written by Julie Bonifacio

lucky_manzano

HINDI NAPIGILAN NG ilang entertainment press na dumalaw sa Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos na ikumpara ang kanyang anak na si Luis Manzano sa anak naman ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Iniyakan kasi ni KC noon ang hindi niya pagkakasama sa Ang TV dahil bawal siyang mag-artista. Bawal din noon kay Luis ang mag-showbiz dahil sa kanyang ama na si Edu Manzano.


“Oo, hindi ako ang nagbawal. Pero ang ibig kong sabihin, tinago rin namin si Lucky noon, pero tingnan mo lumabas din. Pero nakita mo naman ngayon si Lucky? Ay, hindi nakapagsisisi,” lahad ni Gov. Vi.


Looking forward naman si Gov. Vi na makasam sa isang project ang anak na si Luis. As of this writing, may offer kay Luis na isama sa movie na gagawin ni Gov. Vi at ng Box-office King na si John Lloyd Cruz sa Star Cinema Productions.


Nag-request si Luis ng isang linggo para makapag-isip at ibigay ang desisyon niya sa Star Cinema. He’s supposed to do the role ng gay son ni Gov. Vi at lover ni John Lloyd sa movie na mamamatay.


Anyway, hindi naman napigilan ni Governor Vi na ikumpara si John Lloyd sa yumaong aktor na si Dindo Fernando na madalas din niyang makatambal noon sa mga Danny Zialcita films niya at sa Viva Films. Pareho raw kasing magaling na actor sina Dindo at si John Lloyd. Although, si John Lloyd lang ang may box-office appeal between the two good actors.


Proud Mama naman si Gov. Vi kay Luis pagdating sa pagho-host nito. Pero aminado naman siya na there’s still room for improvement pagdating sa pag-arte ng anak niya.
“Kasi tini-text ko ‘yan, e. Was it ‘yung Kampanerang Kuba? ‘Anak, anak, sobrang lukot ng mukha mo nu’ng umiiyak ka.’ Meron naman, ‘Anak, perfect ang tulo ng iyak, ganyan lang. Pag-aralan mo ‘yan. You know, I tell him that.


“Singing career pareho kami, o ‘di ba? Dancing career kami the best. Ang galing-galing niyang sumayaw. Tinanong ko rin siya kung ano ang role niya sa ASAP. Eh, host daw talaga siya and not really a performer,” lahad ni Gov. Vi.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: