Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Ganu'n lang daw siya, walang malisya...AIZA MARQUEZ, FRIENDS LANG DAW SILA PERO PAKANDUNG-KANDONG AT KUNG ANU-ANO ANG GINAGAWA KAY DUNCAN RAMOS

Ganu'n lang daw siya, walang malisya...AIZA MARQUEZ, FRIENDS LANG DAW SILA PERO PAKANDUNG-KANDONG AT KUNG ANU-ANO ANG GINAGAWA KAY DUNCAN RAMOS


"AT least hindi na tomboy ang issue sa akin," sambit ni Aiza Marquez bago siya nagpaalam sa inihanda naming munting salu-salo para sa aming kaarawan sa Ten 02 Restaurant & Bar last Sunday night.

Pinagkumpulan kasi si Aiza ng ilang TV crew at reporters sa isyu sa kanila ni Duncan Ramos. Pakandung-kandong pa raw siya sa singer sa isang disco bar sa QC.

Mukhang blooming ang young actress. Mukhang may bago raw siyang inspirasyon dahil maganda ang aura niya ngayon.

"Wala pa rin akong boyfriend. Loveless pa rin ako hanggang ngayon, promise! E, ano'ng magagawa ko kung talagang maganda ako, 'di ba?" deklara niya.

"I don't deny naman na we hang out," patungkol niya kay Duncan. "Pero magkaibigan lang kaming dalawa. Matagal ko na siyang kaibigan. At kung nakikita man kami na sweet sa isa't isa, e, wala namang ibig sabihin 'yun," pagdi-deny niya.

"Ganoon lang talaga naman ako kay Duncan. Huwag nilang bigyan ng malice 'yung mga ginagawa ko o namin. Ayokong magpakaipokrita para sabihin na hindi ako umiinom. Umiinom talaga ako, pero I know my limitations naman. Hindi naman ako nagpapakalasing kaya alam ko ang mga ginagawa ko," bulalas niya.

Kinuha rin namin ang reaksiyon niya kung payag ba siyang maging ninang ng anak ng ex-boyfriend niya (Gian Magdangal) kay Sheree kung sakaling kunin siya.

Okey naman daw sila ni Gian. Actually, siya pa raw ang nag-suggest ng name ng anak nito.

Ganoon? Ganoon na nga!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: