Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

Gabby Concepcion's Music Museum concert a success

Gabby Concepcion's Music Museum concert a success
Gabby Concepcion's Music Museum concert a success
Puno hindi lang ng female audience ang matagumpay na concert ni Gabby Concepcion na Gabby Concepcion On A Different Note na ginanap sa Music Museum kagabi, August 16, kundi umaapaw din sa intriga ang mga eksena at quotable quotes mula mismo sa aktor. Pasado alas-nuwebe noong nagsimula ang show.

Sinimulan ni Gabby ang kanyang set sa pagkanta ng original song ng Hotdogs na "Manila." Sumunod ang awitin naman ni Ogie Alcasid na "Nandito Ako." Pagkatapos ay nagkuwento na si Gabby tungkol sa isang malungkot na karanasan niya habang nasa Amerika.

Sumunod na song number ni Gabby ay ang awitin ni Hajji Alejandro na "Nakapagtataka." Naglitanya naman si Gabby pagkatapos ng huling linya ng kanta na, "Bakit hindi magkasunduan?"

"Sana nga magkasundo na. Magkaayos na lahat," pahayag ni Gabby.

Pagkatapos ay ang kanta naman ni Ariel Rivera, "Minsan Lang Kitang Iibigin," ang kinanta niya. Matapos nito ay lumabas na si Iya Villania, ang una sa kanyang apat na special guests nang gabing yun.

"Sobrang taas noon. Hindi ko na maabot. Baka mapiyok ako," biro ni Gabby.

Umingay nang husto ang audience sa paglabas ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas. Riot at namula talaga nang husto si Gabby sa mga punchline sa kanya ni Ai-Ai.

Pagpasok pa lang ni Ai-Ai na naka-bangs ang buhok, tawanan agad ang audience.

"Kahawig ko, ‘di ba? Wala ka bang naaalala sa akin ngayon? " sabi ni Ai-Ai kay Gabby. Kinanta pa ni Ai-Ai ang awiting "Ikaw" na labas sa ilong ang lyrics.

"Ah, ikaw yun," sagot naman ni Gabby.

"Naalala mo na, Pa?"

"Regine Velasquez?" sabi ni Gabby.

"Hindi! Si Jenny Syquia," dugtong naman ni Ai-Ai.

"O, sige, Grace Ibuna na lang. Pasalamat ka hindi ko pa alam yung iba," bira ni Ai-Ai.

Nag-duet sina Ai-Ai at Gabby ng signature song ng aktor na "Come What May." Unang linya pa lang ng kanta na,"Wish I was a bird..." nagtilian na ang audience. Kasunod ng voice-over ni Ai-Ai ng "I like your bird" na labis na ikinaaliw ng audience.

Paglabas ni Ai-Ai, pumasok ang isa pa sa tatlong "queen" sa concert ni Gabby, ang "Optimum Teleserye Queen" na si Claudine Barretto. Kinanta nila ang "Iisa Pa Lamang" at "Init sa Magdamag." Tilian ang audience sa paglabas ni Claudine at manaka-naka'y tinatawag sila sa kanilang mga pangalan sa teleserye nila na Iisa Pa Lamang na Rafael at Catherine.

Bigla namang nag-emote si Gabby pagkatapos ng duet nila ni Claudine. Nawala sa isip niya at nakalimutan niya na magdu-duet pala sila muna ng Concert Queen na si Pops Fernandez. Medyo nagulat pa siya nang biglang mag-cue-in na at tugtugin ng bandang nag-aakumpanya sa kanya ang mga unang pasakalye ng awiting "Bakit Ngayon Ka Lang."

Nakalimutan ni Gabby na magdu-duet muna sila ni Pops bago ang last part ng show na very sentimental para sa aktor. Bumawi na lang si Gabby pagpasok niya ulit ng stage pagkatapos ng number nila ni Pops. Humingi ng dispensa si Gabby sa audience at sa kanyang musical director. Pagkatapos ay nag-spiel na si Gabby para nga sa maramdaming bahagi ng kanyang show.

Ito ang bahagi ng concert niya kung saan inihahandog niya ang kanyang kanta na "Kung Kailangan Mo Ako" para sa kanyang apat na anak from different women.

"Marami akong pagkukulang sa kanila. Ito ang pagkakataon ko para makabawi ako sa kanila," sey pa ni Gabby.

Habang kinakanta ni Gabby ang "Kung Kailangan Mo Ako" ipinapakita naman sa malaking screen sa dalawang side ng stage ang old photos ng kanyang apat na anak na babae, kasama siya. Bumaba rin ng stage si Gabby para magbigay ng bulaklak sa audience.

Unang binigyan ni Gabby ng bulaklak ang second daughter niya na si Gabrielle o Garie na anak niya kay Grace Ibuna. Hindi ipinakilala ni Gabby ang anak sa audience o nabanggit man lang ang pangalan ni Garie.

Ewan kung nakalimutan o sinadya ni Gabby na huwag mag-mention ng name ng kahit isa sa kanyang mga anak during the show kaya ni hindi man lang niya na-acknowledge si Garie. Pero hindi naman nakalimutan ni Gabby na i-acknowledge sa audience ang kanyang misis na si Genevieve Tayco Gonzales. Pinasalamatan din niya ang Gonzales family.

Ilan sa mga celebrities na dumating sa show ni Gabby kagabi sa Music Museum as part of the audience ay sina Ara Mina na nagpa-reserve pa ng ticket para makapanood at ang late nang nakapasok sa venue na si Angelica Jones kasama si Lizette na anak ng manager ni Gabby na Mommy Rose Flaminiano.

Nandun din si Annabelle Rama na tinawag ni Gabby na "balae" during the show.

"Dati magkasama kami ng anak niyang si Ruffa noon. Ngayon sina Richard [Gutierrez] at KC [Concepcion] na ang magkasama sa movie. Kaya puwede nang ‘balae' ang itawag ko sa kanya. Pero ‘pag naghiwalay, balik ulit sa Tita Annabelle," natatawang pahayag ni Gabby.

Bilang huling song number, kinanta ni Gabby ang hit song ng VST & Company na "Awitin Mo, Isasayaw Ko." Hindi pa nakuntento ang audience at nag-request ng more kay Gabby. Bumalik si Gabby sa stage at kinanta ang "Hanggang" ni Wency Cornejo.

Pagkatapos ng successful concert sa Music Museum, sa Big Dome naman ang susunod na concert ni Gabby.



Source: PEP








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: