Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 5, 2008

Gabby Concepcion never imagined recording his own album

Gabby Concepcion never imagined recording his own album

Gabby Concepcion never imagined recording his own album
Ang lahat daw ng mga nangyayari sa pag-uwi ng aktor na si Gabby Concepcion sa bansa ay hindi niya inasahan noon. Ang main purpose daw ng kanyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kanyang amang maysakit. Hanggang sa dumating na nga ang sunud-sunod na offers sa kanya—movies, TV shows, product endorsements, and now, a recording album that Gabby never thought could happen.

Kahapon, August 5, ay inilunsad ang self-titled debut album ni Gabby under Warner Music. Naganap ang album launch sa Red Box sa Trinoma Mall sa Quezon City.

"Marami ang nangyayari sa akin na hindi ko pinaplanong gawin, pero yun ang nangyayari sa akin, whether it's good or it's bad. And one of them, yung pagpasok ko sa TV na hindi ko akalaing gagawin ko.

"Kasi noong dumating ako, ang akala kong gagawin ko ay pelikula. Hindi natuloy yung movie. Now, nagiging busy ako sa TV at wala akong mailagay na schedule para sa pelikula. Pero kapag meron nang offer ang movie, definitely, gagawan ng schedule yun because that's one of the priorities. Then, yung mga endorsements na alam n'yo naman ang nangyari..." nabiting sabi ni Gabby na malamang naisip ang controversial endorsement niya ng isang whitening product.

Patuloy niya, "'Tapos, heto nga ang recording at hindi ko naman akalain na mangyayari ito. Pero lahat naman ng gawin ko, kasi I try to give 100 percent of my time. Kaya noong mangyari ito, sineryoso ko.

"Noong araw kasi na mangyari ito, hindi ko sineseryoso, around 1980-81, so mga 15 or 17 ako noon. Imagine, hindi ko nga inisip na pumasok sa pag-aartista, kumanta pa? So, hindi talaga ako nag-concentrate na magiging career ko ang singing kaya nag-concentrate ako sa acting."

GABBY AS A SINGER. May 12 tracks ang album ni Gabby that includes his version of "Iisa Pa Lamang," ang theme song ng soap opera niya sa ABS-CBN, 10 revivals, and one original composition, "Ako Pa Ba?" Kapag pinagkinggan ang mga kanta sa album ni Gabby, halos lahat ay matataas ang tono.

Marami ang nagulat nang malaman na may album si Gabby at ang unang tanong nila ay kung marunong ba talagang kumanta ang dating matinee idol.

"Of course, I don't doubt people who will question, or question people who will doubt also. Natural yun. I never used to sing in TV. E, puro boses ko, boses nagbibinata noong ginawa ko yung ‘Come What May' [theme song of one of his earlier films with ex-wife Sharon Cuneta]. Ngayon, medyo lumalim na ng konti. At saka iba ang approach ng Warner dito, medyo binaligtad nila. Yung guy muna, then girl.

"Okay, I will correct myself... Actually, wala naman akong kinumbida, pero yung ‘Come What May,' may babae ro'n, pero hindi ko siya kinumbida. But of course, nagulat ako that Warner asked her to sing. And I'd like to thank Nina for singing that part," lahad ni Gabby.

Personal request ba ni Gabby na makasama sa album ang "Come What May"?

"Yes. Ang hindi ko lang ni-recommend, yung kantang Burgis, kasi talagang anong-ano ako ro'n, pati ako nangingilabot!" natatawa niyang sabi. "Actually, binigyan ko sila ng listahan. May idinagdag sila. ‘Tapos, tinanong nila ako kung okay raw ba. Sabi ko, ‘Of course.'"

Gabby's personal favorite in his album is "Ako Pa Ba?," the only original composition among the track in his album. "Kapag lumabas pa ‘to, hopefully maging successful. Marami pa kong choices from the ‘80s na sabi ko nga, bakit ang mga kabataan ngayon, hindi nire-revive?"

Puwedeng sabihin na ang dating asawa na si Sharon Cuneta ang nasa isipan niya when he recorded the "Come What May"?

"Well, yun ang mga panahon namin, e. Hindi namin theme song ‘yon, nagkataon lang talaga na nasa pelikula. Pero siyempre, puwede n'yong sabihin na yun ang song for her kasi magkasama kami sa pelikula. Pero sa totoo lang, this CD is a love collection. It's a general feeling or songs ng nagmamahal or nagmahal," paliwanag ni Gabby.

SHARON'S CONCERT. On August 8 ay gaganapin ang Megathirty concert ni Sharon sa Araneta Coliseum to celebrate her 30 years in showbiz. May plano ba si Gbby na manood nito?

"Yung sa amin ang kino-concentrate ko, sa August 15 and 16 sa Music Museum. Kasi this is my first, e. Ayoko rin namang mangumbida lang ng kaibigan kasi baka puro mga kaibigan ko lang ang dumating. Pero pinasasabi ko na rin po sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan nila who might be interested. Anyway, the billboard is up so I hope it will become successful."

Gabby's two-night concert will feature Pops Fernandez, Claudine Barretto, and Ai-Ai delas Alas.

Ibinalik ng press ang tanong kung wala nga sa plano niya ang manood ng concert ng dating misis.

"Depende kung meron kang gagawin or wala... Titingnan ko, ha. Pero kasi, palagay ko, meron. Kasi every day, wala akong araw na walang lakad," palusot niya.

KC'S FIRST MOVIE. Malapit na rin ang premiere night ng first movie ng kanyang anak na si KC Concepcion na For The First Time. During the movie's presscon, may nagtanong kay KC kung iimbitahan ba niya ang mga magulang na manood. She replied that she would love to have her parents watch her first movie.

Will Gabby be there to watch his daughter's first movie?

"Well, if I'm requested to be there," maikli niyang sagot.

Most probably, nandoon at magbibigay rin ng suporta si Sharon. Magiging hadlang ba ‘yon para hindi pumunta si Gabby?

"Well, kahit naman sino, I'm willing to see. Maski naman noong araw, lahat ng tao gusto kong makita. Actually, hindi ko nga alam kung bakit nagiging big deal, pero para sa akin, there's no big deal," pagtatapos ni Gabby.



Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: