Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Gabb Valenciano, bagong dyowa ni Pauleen Luna?


Gabb Valenciano, bagong dyowa ni Pauleen Luna?
GABRIEL “GAB” VALENCIANO (photo by VER PAULINO)

May nakapagchika sa amin na mukhang ine-enjoy ni Pauleen Luna ang pagiging single na okey lang naman ngayong matagal-tagal na nga silang hiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

Medyo madalas raw makita sa kontrobersyal na Embassy Bar sa The Fort sa Taguig City ang magandang dalaga kasama ang kanyang kapatid at mga kaibigan nila.

Kasama rin daw minsan nina Pauleen ang kanyang best friend na young actress din na si Carla Humphries at maging si Regine Tolentino.

Nagulat lang ang nagchika sa amin sa closeness at sweetness daw ni Pauleen at ng kapwa niya celebrity na nakasama niya sa nasabing bar sa anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gabb Valenciano.

Tuluyan na kayang naka-move on si Pauleen? Well, mukhang bagay naman sila ni Gabb.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: