Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 10, 2008

Former PBB teen housemate Mikee Lee shows his dark side in TV5's "Lip Gloss"

Former PBB teen housemate Mikee Lee shows his dark side in TV5's "Lip Gloss"

Former PBB teen housemate Mikee Lee shows his dark side in TV5's "Lip Gloss"

Si Mikee Lee pala talaga ang nag-insist na bad boy role ang mapunta sa kanya sa youth-oriented series ng TV5, ang Lip Gloss. Ang isa sa Big 4 ng naunang Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition ng ABS-CBN, mas mukhang nabibigyan si Mikee ng pagkakataon sa bagong pinalakas na Singko.

"Nag-audition pa ako para sa role," sabi ni Mikee sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ipinakita ko lang na hindi ako dapat ma-stuck lang sa goody-goody roles. Ipinakita ko yung bad side ko in characterization sa auditions, kaya pumasa ako.

"At this point, hindi ko naiisip na mata-typecast ako. Kasi yung projection ko sa PBB noon, may pagka-nerd, matalino, straight guy. It's time to do the exact opposite, para ma-balance naman natin.

"Itong Lip Gloss kasi, puro dark characters. Ipapakita rito yung darker side ng youth, which is the more realistic part, hindi lahat ng goody-goody at wholesome part ng kabataan. Kaya it's about time na ipakita rin natin yun, kasi, part yun ng what's really happening among young people today," banggit ni Mikee nang makusap namin siya sa launch ng TV5 last August 7, Thursday, sa C3 Events Place, Greenhills, San Juan City.

Marami kasi ang nangangambang baka puro kanegahan ng mga kabataan ang mapanood sa nabanggit na bagong youth-oriented series ng TV5 at makaapekto ito sa mga manonood.

"I think young people can learn things from the negative," tugon ng Atenista. "Kapag nakita nila ang masama at ang effects nito, I don't think tutularan pa nila. That way, mas effective yun para turuan ang mga kabataan sa kung ano ang tama o mali, di ba?

"Yung mga magulang, kapag napanood nila ito, sasabihin nila, huwag nang gayahin dahil matutulad sila sa mga nangyayari sa characters. Yun ang gusto naming ipaalam sa mga manonood."

STILL A KAPAMILYA. Ilan sa mga makakasama ni Mikee sa Lip Gloss ay ang ex-housemate niya sa PBB na si Fred Payawan, Rodjun Cruz, Kevin LapeƱa, Sam Concepcion, Cheska Ortega, at marami pang iba. Mix-up ng mga baguhan at datihan para may matutunan daw from each other, at mas magandang experience.

"Gusto ko talagang umarte," sambit ni Mikee. "Kung TV5 ang magbibigay sa akin ng chance agad to do this, I don't see any reason why I shouldn't grab it. May paalam naman ako sa ABS-CBN. I'm still a Kapamilya.

"Hindi ko kasi iniisip yung mga status-status na dapat ABS ka, or GMA, pagdating sa ganyang magandang breaks. If I can get that from TV5, bakit hindi? Yung mga ganyang isyu, ampaw lang 'yan, pera-pera. It's more than that.

"Sa ABS, maraming magagandang shows, at gusto ko sanang makasama doon. But then, if they think it's not for me, gagawa na lang ako ng ibang paraan. Grateful pa rin ako sa ABS-CBN, kasi kung hindi dahil sa PBB Teens, hindi ako mapapansin," sabi ni Mikee.

ON KIM & GERALD. Hindi ba siya nanghihinayang kay Kim Chiu na ka-batch niya sa PBB Teen Edition na unang na-link sa kanya, pero naagaw na nang husto sa kanya ni Gerald Anderson?

"Happy ako sa kung anuman ang nangyayari sa kanila," sagot ni Mikee. "Pareho silang mabait na tao. Siguro happy si Kim kay Gerald dahil mabait naman ito. Kung mahal mo ang isang tao, at napunta ito sa mabait ding tao, masaya na rin ako. Ganoon na lang.

"Naku, akala ko nga, wala na ako sa eksena nila! May mga nagtatanong pa rin about Kim!" natatawang sabi ni Mikee.

Nasa first year college pa lang si Mikee sa Ateneo de Manila taking up Management Engineering. Hindi madaling kurso ang kinukuha ni Mikee.

"Yung mga kaeskuwela ko, sobrang ang gagaling nila. Kahit nga sinasabing from high school, okay ang performance ko, and yet, sobrang natsa-challenge pa rin ako ngayon, kasi hindi madali ang course. Never kong na-imagine na tatapatan din ako ng iba sa klase," natatawang sabi ng Atenista.



Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: