Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

“For the First time” naka P14 - P15 million

“For the First time” naka P14 - P15 million

Sa story conference-cum-presscon ng Piolo Pascual-Angel Locsin movie (working title Land Down Under) kahapon, usap-usapan ang successful opening day ng For the First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Ayon sa Star Cinema people, hitsura ng malakas ang ulan, sobrang dami pa rin ang nanood sa first screening, kaya victorious na ang ambience.

Dahil kabubukas lang, wala pang figures kaming nakuha, pero as per Roxy Liquigan, ang tracking daw ng Star Cinema 4 p.m. kahapon, the movie would go anywhere from P14 to P15 million sa first-day gross.

Kasing lakas daw ang FTFT opening ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, dagdag pa ni Roxy.


Gustong ipahatid ng Star Cinema ang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa opening day considering na maulan kahapon.

“Parang suwerte ang Star Cinema ’pag umuulan. Sa A Very Special Love, maulan din ang opening day at umulan din ng blessings. This time, umuulan na naman ng blessing,” tuwang-tuwang sabi ng Star Cinema staff.

Dagdag ni Roxy, good karma sina KC at Richard dahil sa sobrang dedication na ibinigay sa pelikula. Very professional daw ang dalawa’t never naringgan ng kahit na anong reklamo during the shoot.

Love na love nga raw ng Star Cinema people sina Chard at KC dahil hindi nagbigay ng sakit ng ulo.

VINIA VIVAR
Journal Online







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: