Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 28, 2008

First time lang nangyari, Sharon Cuneta...VILMANIANS, 'DI PINAPASOK SA PREMIERE NG MOVIE NINA RICHARD AT KC


First time lang nangyari, Sharon Cuneta...VILMANIANS, 'DI PINAPASOK SA PREMIERE NG MOVIE NINA RICHARD AT KC



NABIKTIMA ng for the first time ang mga Vilmanians nu'ng premiere ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Sa unang pagkakataon ay hindi sila nakapanood, ayaw nang magpapasok ng mga guwardiya ng SM-Megamall dahil punumpuno na raw ang dalawang sinehan, umuwing luhaan ang tropa ni Obet Sapin.

Pero naiintindihan naman ng mga tagasuporta ni Governor Vilma Santos ang pangyayari, maaga pa lang daw kasi ay hindi na mahulugang karayom ang pila sa mismong lobby ng mall, sa regular run na lang daw sila manonood ng For The First Time.

Dalangin ni Obet Sapin na sana raw, kung gaano umaapaw ang manonood nu'ng premiere night ng pelikula, ay ganu'n din ang mangyari sa pagpapalabas nito nang regular sa mga sinehan.

Tinupad ni Gabby Concepcion ang kanyang pangako na anuman ang mangyari ay dadalo ang aktor sa premiere night ng For The First Time, ang tanging dahilan ng pagpunta ru'n ni Gabby ay ang matinding suporta sa kanyang anak, wala nang iba pa.

Sa Cinema 9 nagpunta si Gabby habang nasa Cinema 10 naman si Sharon Cuneta, tiniyak ng staff ng Star Cinema na maging maayos ang "blocking" ng mga magulang ni KC para maging makinis ang lahat nu'ng gabing 'yun.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: