Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Fans nina Mark Herras at Rhian Ramos, nag-aaway sa internet!

Fans nina Mark Herras at Rhian Ramos, nag-aaway sa internet!
Written by Nitz Miralles

Rhian #10

MAY NET WAR ang fans nina Mark Herras at Rhian Ramos. Kung anu-anong akusasyon ang ibinabato nila sa bawat isa mula nang magtambal ang dalawa sa afternoon soap na My Only Love. Umabot na sa puntong hina-harass ang actor ng fans ng young actress and vice-versa.
Nang mabalitang posibleng makasama si Mark sa cast ng La Lola, nag-ingay ang fans ni Rhian at kulang na lang, mag-piket sa harap ng GMA Network para i-apelang ‘wag nang isama ang actor. Natuwa ang mga ito nang tuluyang alisin sa cast si Mark.


Pero, hindi du’n natatapos ang isyu between the Mark and Rhian fans, dahil may banta ang fans ng young actress na ibu-boo si Mark sa premiere night ng I.T.A.L.Y.. Magdala raw ng payong ang actor at hindi lang boo ang ibabato nila rito’t kung anu-ano pang bagay.


Kinol ng fans ni Mark ang banta ng fans ni Rhian, babalikan din nila ng boo ang young actress at dodoblehin nila ang lakas nang boo na ibibigay nila rito. Kung ano ang ibabato ng fans ni Rhian kay Mark, kanilang ibabalik.


Ipinaalam na namin sa mga taga-GMA Films ang banta ng bawat kampo kina Mark at Rhian at baka sa halip na mag-enjoy, magkagulo sa premiere night dahil lang sa kanila. Isipin sana ng fans ng dalawa, na hindi lang sina Mark at Rhian ang bida ng pelikula at may fans din sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo at Dennis Trillo.


Sa September 17 na ang showing ng pelikula at darating today, August 27, si Andrea de Lugo, ang Italian actress na kapareha ni Dennis para mag-dub at tumulong sa promo ng movie sa direksyon ni Mark Reyes.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: