Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Fan lang daw ang turing, pero...CONFIRMED: VALERIE, NATUTULOG SA BAHAY NI MARK HERRAS

Fan lang daw ang turing, pero...CONFIRMED: VALERIE, NATUTULOG SA BAHAY NI MARK HERRAS












SANA'Y maging lesson sa GMA Artist Center star na isa sa cast ng inaabangang pelikulang I.T.A.L.Y. ng GMA Films na si Mark Herras ang nangyari sa kanya na may isang kolehiyalang nag-iilusyon na may relasyon sila, na ikinagulat at mariin namang itinanggi ng aktor.

Kahit nga ang ilan sa mga taong close kay Mark ay nagulat sa naging pahayag ni Valerie, ang sinasabing fan at karelasyon daw ng binata. Tsika nga ng aming source na malapit kay Mark, madalas daw na nakabantay sa kanya ang naturang fan sa mga tapings kung saan kahit madaling-araw na ay 'di raw ito mapapauwi hangga't hindi tapos ang taping ni Mark.

Umaabot pa nga raw sa puntong dahil dis-oras na nang gabi ay nagmamagandang-loob na si Mark na patulugin ito sa kanilang bahay, na naturalmente ay sa kanilang guest room daw nila ito pinapatulog. Iniisip lang daw kasi ni Mark ang safety nito.

Pero sad to say, ito pa ang napala ni Mark sa kanyang pagmamagandang-loob dahil umabot sa puntong inisip ng kanyang fan na sila na at umabot pa sa puntong gusto nitong i-blackmail si Mark sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga texts kuno ng aktor na nagpapatunay na may relasyon sila.

Kaya nga payo namin kay Mark, okey lang ang maging close at mabait sa mga fans, pero magbigay ng konting distansiya nang sa ganoon ay 'di siya maisyu ulit ng katulad nito. 'Yun na!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: