Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Dyosa babalik sa panahon ng mga Kastila


Dyosa babalik sa panahon ng mga Kastila
dyosa

ANG Dyosa ng ABS-CBN na si Anne Curtis ay babalik sa panahon ng mga Kastila sa Pilipinas.

This time as a normal person na magmamahal sa isang Spanish-Filipino soldier na gagampanan ni Jericho Rosales.

Ang mga eksena ay magaganap sa Baler, matatagpuan sa probinsya ng Aurora, noong mga panahong nagsisikap ang mga mandirigmang Pinoy na mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Kastila.

Pinamagatang Baler, ang pelikula ay produced ng Viva Films sa pa-kikipagtulungan ng PAGCOR at sa suporta rin ni Senator Ed Angara na mismong tubong Baler.

Ayon kay Sen. Angara nang makapanayam ng press sa presscon ng Baler kamakailan, matagal na raw talaga niyang gustong makagawa ng isang magandang proyekto para sa Baler.

“Kaya nang malaman ko itong film project na Baler, labis akong natuwa at si-nuportahan ko kaagad,” wika ni Sen. Angara.

Kuwento pa ni Sen. Angara, marami raw magagandang kasaysayang nakatago sa Baler.

Pero ang ‘pinaka’ raw na hindi napag-uusapan sa Pilipinas, ngunit bukambibig ng mga taga-Spain, ay ang kabayanihang ipinakita ng mga taga-Baler noong panahong tapos na ang paki-kipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila.

“Nakorner noon ng Filipino soldiers ang mga sundalong Kastila sa simbahan ng Baler at doon sila nagkanlong para hindi mapatay ng mga sundalong Pinoy.

“Ang hindi alam ng mga sundalong Kastila ay tapos na ang giyera noon, pero ayaw nilang maniwala noong una. Bandang huli ay gumawa ng paraan ang mga sundalong Pinoy para mapalabas ang Spanish soldiers sa pinagtataguan nilang simbahan.

“Nang mapalabas ang nakorner na mga sundalong Kastila, akala nila papata-yin na silang lahat. Sa halip, buong puso silang tinanggap ng mga Filipino at pinalakpakan pa habang papalabas sila ng Baler church.

“At ang mga sunda-long ‘yun nang makabalik sa kanilang bansa, ay ipinamalita ang kagandahang loob ng mga Filipino. ‘Yun ay naging usap-usapan sa Spain at marami pang nakakaalam nito roon hanggang ngayon.

“So, ang pelikulang Ba-ler sa kabuuan ay tungkol sa kabayanihan at kabutihan ng mga Pilipino,” nakangiting wika ni Sen. Angara.

Almost 70 percent daw ng Baler movie ay historical, ayon sa scriptwriter ng pelikula na si Roy Iglesias. Ang love story daw nina Anne at Jericho ay idinagdag lang para magkaroon ng romantic color ang pelikula.

Pero, pasubali ni Sen. Angara, may naririnig siyang kuwentu-kuwento na isang dalagang taga-Baler nga at binatang sundalong Kastila ang nag-ibigan noong panahon ‘yun.

So, maaaring pati ang mga ginagampanan nina Anne at Jericho sa pelikulang Baler ay totoong love story noon ng isang dalagang Filipina at sunda-long Kastila.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

may nanonood pa ba nito