Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Dingdong nirekomenda ni Zsa Zsa sa Belo

Dingdong nirekomenda ni Zsa Zsa sa Belo

Sosyal at bonggang-bongga ang big launch ng Belo Medical Group kay Dingdong Dantes noong Linggo.

Itsurang malakas ang ulan, dinayo ng mga re­porters at mga bisita ang okasyon na lalong nag­pa­ti­bay at nagpatunay na hot na hot ngayon si Dingdong.

Hindi ako lumalabas tuwing araw ng Linggo kaya hindi ako nagpunta sa NBC Tent, kesehodang invited ako.

Hindi ko na-miss ang mga loot bags na ipi­nami­gay dahil pinadal­han din ako. Physi­cal pre­sence ko nga lang ang ku­lang.

Nag-enjoy ang lahat dahil walang umuwing luhaan. Masarap daw ang mga pagkain sa buffet table at uma­apaw ang mga drinks.

Seksing-seksi raw si Karylle nang makipag-jamming ito sa Side A Band. Ginulat ni Karylle ang mga bisita dahil ibang-iba na siya. Unti-unti nang nawa­wala ang kanyang conservative na ima­ge, nakatulong ang pagsusuot niya ng mga seksing damit.

* * *

Si Zsa Zsa Padilla ang nagrekomenda kay Dr. Vicki Belo na kunin na endorser si Dingdong kaya nagpapasalamat ito sa kanyang future mother-in-law.

Isa kasi si Zsa Zsa sa mga original endorsers ng Belo Medical Group at close friends din sila ni doktora Belo.

Nagkakasama sina Zsa Zsa at doktora sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Nag-bonding na sila noon sa Australia at South Africa.

All praises si doktora Belo kay Zsa Zsa dahil mabait ito at hindi kailangan na alagaan kapag nasa ibang bansa sila. Sariling pera raw ni Zsa Zsa ang ginagastos nito kapag namamasyal sila.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: