Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Dingdong Dantes teams up with Piolo Pascual for campaign ad

Dingdong Dantes teams up with Piolo Pascual for campaign ad

Dingdong Dantes teams up with Piolo Pascual for campaign ad
Nagulat si Dingdong Dantes nang mabalitaan niyang nakalabas pala sa print ang ginawa nilang pictorial kasama sa hottest Kapamilya leading man na si Piolo Pascual. Buong-akala raw niya ay sa September pa ito ire-release kaya hindi pa siya nagsasalita tungkol sa Pond's endorsement nila ni Piolo.

"Actually, akala ko nga next month pa. Pero biglang lumabas na nga raw, like sa YES! magazine [September 2008 issue]. Pero yung TVC yata, hindi pa. I think isa yun sa dapat na abangan nila kasi, maganda yung concept ng commercial. We have to look for the next Pond's girl. We're in search for two women and ide-date namin sila," masayang kuwento ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Dingdong, five years ago raw ay nagkasama na sila ni Piolo sa Japan nang magkaroon sila ng show with the Side A band. Nasundan na lang ito nang magkasama naman sila sa Rampa for A Cause na in-organize ng Gutierrez family two years ago.

"Yung mga ganoong incident, pero ngayon lang talaga kami nagkasama for one project," banggit ni Dingdong.

Okey raw kay Dingdong yung idea na ginagawa ng mga advertisers na napagsasama ang mga artista ng parehong networks—GMA-7 and ABS-CBN.

"Maganda nga ngayon kasi nagkakaroon ng fusion ng two different networks, much more that he [Piolo] has already established his name, his career, his personality. So, noong sinabi nila sa akin na I'll be working with him, para sa akin, isang magandang opportunity siya. So, without hesitation talaga, I was excited about the project."

Ang idea raw kasi ng naturang campaign ad ay two of the hottest and two of the prime talents ng both networks ang pinagsama ng Pond's.

"Well, it is on the producer's perception. Yun ang tingin ng mga kliyente dahil siguro, nakikita nilang swak kami doon sa hinahanap nilang image ng produkto. Siyempre, ayaw ko rin namang sabihin on top or hottest, siguro it's just good to say that we just fit doon sa hinahanap nilang qualities," paliwanag naman ni Dingdong.

Okay raw agad ang working relationship nila ni Piolo kahit magkaibang network ang ginagalawan nila. Malaking factor daw siguro na may common friend sila—si Direk Joyce Bernal.

"Siyempre kapag nasa set kami ng Dyesebel, ikinukuwento niya [Direk Joyce] sa amin si Piolo. Alam n'yo yung immediately, meron na kaming common tao na kilala na parehong malapit sa amin. Although, mas malapit talaga siya [Piolo] kay Direk Joyce dahil best friend sila."

Every month ay tila walang palya na may bago siyang endorsement na nilu-launch. Ano ang masasabi niya rito?

"Ano ako, e, practice what you preach ako. Kung ano ang sinasabi ko, ginagawa ko talaga. So, lahat ng mga endorsements ko, wala naman akong hindi pinapaniwalaan doon," sabi ni Dingdong.




Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: