Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Dingdong Dantes on Piolo Pascual: "Idol ko siya."

Dingdong Dantes on Piolo Pascual: "Idol ko siya."

Dingdong Dantes on Piolo Pascual: "Idol ko siya."
Nasa Araneta Coliseum kagabi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para manood sa rehearsal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout na mamayang 8 pm na gagawin.

Si Marian ang naabutan ng PEP na nagre-rehearsal kasama ang sangkatutak na dancers. Binati nito ng ngiti ang PEP at saka nagpatuloy sa pagsasayaw. Dahil wala sa stage si Dingdong, ibig sabihin, libre ito for an interview.

Sa isa sa mga dressings rooms ng Big Dome siya nakita ng PEP na nagbibihis at ilang sandali pa, kaharap na siya ng PEP. Kung pareho sila ng schedule ni Marian, ibig sabihin 3 pm pa humataw ng rehearsal si Dingdong. Pero hindi siya kinakitaan ng pagod at game pa ring sumagot sa mga itinanong sa kanya.

"Sobra akong pagod, pero may isa pa akong sayaw na ire-rehearse. Ayokong mapahiya sa manonood, kailangang ayos ang pagsasayaw ko. Matagal na rin akong hindi sumasayaw, kaya excited akong muling magsayaw. Marami kaming gagawing numbers ni Marian, plus sa parte ko, may ipalalabas na complitation video, hindi ko alam kung ano, sorpresa raw. Sila [ang staff] ang gumawa," pauna nitong kuwento.

Nahihiya man, sumang-ayon si Dingdong na ito ang biggest birthday celebration niya, ngayon lang siya nagkaroon ng birthday concert at sa Big Dome pa. Noong August 2, pa ang birthday niya, pero parang August 27, ang actual birthday niya sa laki ng okasyon.

"Regalo namin ni Marian sa fans. Bihira sa tao ang magka-show sa Araneta and yet, binigyan kami ng privilege na mag-show dito, kaya kailangang pagbutihin. Nakakahiya namang magkamali."

Inulit na naman ni Dingdong ang sinabing malaki ang nagawa ng Marimar sa kanya. Right project daw ito, timing ang dating at right time, plus malakas ang chemistry nila ni Marian at nasabay sa desisyon niyang mag-change image.

Sa rami ng numbers na gagawin nina Dingdong at Marian mamaya, isa sa pinakaaabangan niya ay ang duet niya [sikreto at sorpresa] ng favorite Michael Buble song niya. Minsan na raw niya itong kinanta sa S.O.P. at ngayon lang uli gagawin. Ang ibang magagandang numbers ay bawal isulat at baka hantingin kami ni Perry Lansigan.

TONI'S COMING OVER. Naalala ng PEP na darating ng bansa si Antoinette Taus sometime in October dahil isa siya sa bridesmaid sa wedding nina Cheska Garcia at Doug Kramer.

"Nabalitaan ko ngang darating siya, pero hindi kami magkikita roon dahil hindi ako invited sa kasal."

Nagulat ang PEP sa ibinalita ni Dingdong na gustong magpa-manage ni Toni sa manager niyang si Perry habang nandito at okey lang ito sa kanya.

"We're okay, at nagbatian naman kami nang magkita kami sa Los Angeles, sa presscon ng Eat Bulaga!. ‘Andun siya dahil editor siya ng M7 magazine. Nag-usap kami at happy naman siya."

Fan daw si Toni ng love team nila ni Marian, any reaction?

"Ganun ba? Maraming salamat naman. Hindi naman siguro siya nakakapanood madalas ng show namin, alam kong busy siya. Pero ang alam ko, may gagawin siyang TV show roon," sagot ni Dingdong.

GEARING UP FOR POLITICS. Ipinasagot din ng PEP ang intrigang ginagamit niya sa binabalak na pagpasok sa pulitika ang in-organize niyang basketball game sa PMI Colleges recently.

"No! Walang kinaalaman ang pulitika roon. Gusto ko lang talagang makatulong sa mga gustong mag-aral. Randomly selected ang two scholars na napili dahil sa exhibition game na yun at naghahanap pa ako ng isa. Dati pa, may scholars na ako at marami na ang nag-graduate. Naging spokesperson na rin ako ng DepEd [Department of Education]."

"Huwag naman nilang bigyan ng malisya ang ginagawa kong pagtulong. Kung magkakaroon ako ng balak na magpulitika, sasabihin ko naman, pero ito, gusto ko talagang gawin. Kapag nakita nila akong tumakbo sa 2010, dun nila ako tirahin," sabi ni Dingdong.

WORKING WITH PIOLO. Ipinarating ng PEP na marami ang natutuwa sa Pond's TVC nila ni Piolo Pascual, May mga nagtatanong nga kung sina Marian at Angel Locsin ba ang dalawang babaeng nakatalikod na kasama sa TVC. Inalam ng PEP kay Dingdong kung sino Marian at Angel nga yun.

"Akala ba nila sina Marian at Angel yun? Hindi sila yun, iba."

How was it working with Piolo sa shoot ng TVC na last month pa pala kinunan sa isang lugar sa Makati, pero naitago sa press?

"He's very approachable given his status. Talagang walang kaere-ere sa katawan. Idol ko siya, wala akong masamang masasabi sa kanya. He is very humble."

GETTING READY FOR E! Bago pa muling sumabak sa rehearsal, inalam ng PEP kay Dingdong kung kailan siya iinterbyuhin ng E! Entertainment para sa segment niya sa 25 Sexiest Men. Sabi nito, may coordination niya sa side nila at nagpadala na sila ng materials, footages, his body of work at iba pang kailangan sa feature. Kung kailangan siyang interbyuhin, aayusin niya ang kanyang schedule.

"Pupunta ako sa States sa October for a vacation at para dumalo sa kasal ng best friend ko sa grade school. Kami lang ng mom ko ang aalis, mga two weeks lang. Best friend ko yun at siya ang nagpasok sa akin sa commercial, noong grade school pa lang kami at nagtuluy-tuloy sa showbiz," pagtatapos ni Dingdong.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: