Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Diana Zubiri and Iya Villania join Katrina Halili in "One Night Only"


Diana Zubiri and Iya Villania join Katrina Halili in "One Night Only"

Diana Zubiri and Iya Villania join Katrina Halili in "One Night Only"

Hindi na matutupad ang gusto ni Direk Joey Reyes na pagsamahin sa One Night Only ang nagseseksihang sina Katrina Halili, Roxanne Guinoo, at Angelica Panganiban dahil pinull-out na ng Star Magic sina Roxanne at Angelica sa cast. Pero tuloy pa rin ang pelikulang entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sina Diana Zubiri at Iya Villania na ang kapalit nina Roxanne at Angelica sa One Night Only. Hindi pa lang alam kung kanino kina Diana at Iya mapupunta ang role na dapat ay kina Angelica at Iya.

Ang hinahanap pa nina Orly Ilacad at Direk Joey ay ang ipapalit kay Diether Ocampo na hindi rin pinayagang gawin ang One Night Only. Sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa ay mananatili pa rin sa cast dahil hindi sila Star Magic talents kahit sa shows ng ABS-CBN sila napapanood. Si Becky Aguila ang manager ng dalawa at kay Becky ipinadala ng OctoArts ang script para kanyang basahin at aprubahan.

Through Aster Amoyo, OctoArts publicist, hiningi ng PEP ang reaction ni Mr. Ilacad sa pagpu-pull out ng Star Magic kina Angelica, Roxanne, at Diether. Sabi ng producer, hindi pull-out na matatawag ang move ng Star Magic dahil wala pang kontratang pinirmahan ang tatlo at hindi pa sila nagsu-shooting. Ang right word daw "they were considered for the movie."

Samantala, natatandaan ng PEP ang sinabi ni Direk Joey na hindi lang si Katrina ang bida sa One Night Only. Lahat ng 24 cast members ng movie ay bida at may highlight ang partisipasyon nila sa pelikula, na ang istorya ay mangyayari sa isang araw lamang sa loob ng isang motel.




Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: