Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

'Di nakapagpigil...NANGYARI SA KANILA NI MARIAN, IKINANTA NG MALE SINGER

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

'Di nakapagpigil...NANGYARI SA KANILA NI MARIAN, IKINANTA NG MALE SINGER

USAP-USAPAN na isang male singer ang bumigay sa launching ng second album ng Dance Squad Singers titled D.S.S Dance Squad Singers under Zone 7/Candid Philippines.

Guest nila ang naturang mang-aawit at buong-ningning na pinuna nito ang paling na bukol at pagiging yummy ng D.S.S na binubuo nina Robert at Bobby Solomon, JR De Guzman, Arvin King, Zyrus Desamparado, JB Eugenio at CJ Cueva.

Hindi pa tumigil ang male singer sa paglaladlad dahil nang magbiro ang isang reporter na mukhang hustler 'yung isang member, aba'y buong-ningning ding sinakyan ng male singer na ganoon daw ang type niya.

Ha! ha! ha! Talbog!

Samantala, nakatikim ng pang-iisnub ang isang DSS member na si Robert Solomon kay Marian Rivera ay nagawa pa rin nitong makabuo ng isang kantang inialay sa aktres titled Totoo na carrier single ng album. Crush niya kasi si Marian kahit ganoon ang asal.

Bulalas pa ni Robert, walang nagbago sa pagtingin niya kay Marian kahit hindi maganda ang kanyang karanasan sa young star. May ganoon?

Anyway, sampung sure hits songs ang nakapaloob sa kanilang bagong album. Tatlong hit songs ang ini-revive nila tulad ng Word Up, If You're Not Here ng Menudo at Let it Whip, samantalanng 7 new composition naman ang pihadong maiibigan ng mga music lovers mula sa Break Up theme song from the movie XENOA 2, Sana, Totoo, 15 Minutes, Tuwing Umuulan, Mil at Ikaw Pa Rin ang Mahal.

Nakatakdang magkaroon ng concert ang Dance Squad Singers sa Metro Bar sa August 16 kung saan makakasama ng mga ito ang Pinoy/British talents, ang Chikitas at ang Maharlika at susundan ng mall, radio at TV promo.

'Yun na!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: