Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

'Di matanggap na tinalo ang friend na si Jayann Bautista...RACHELLE ANN GO, NAG-WALK OUT BAGO PA IN-ANNOUNCE NA WINNER SI GRETCHEN ESPINA

'Di matanggap na tinalo ang friend na si Jayann Bautista...RACHELLE ANN GO, NAG-WALK OUT BAGO PA IN-ANNOUNCE NA WINNER SI GRETCHEN ESPINA


NAIYAK daw sa sobrang disappointment si Rachelle Ann Go sa pagkatalo ng kanyang best friend na si Jayann Bautista sa naganap na grand finals kamakailan ng kauna-unahang Pinoy Idol sa bansa via GMA-7 sa SMX Convention Center ng Mall of Asia.

Kahit identified na Kapamilya, pumunta talaga si Rachelle Ann Go sa show ng Kapuso para bigyan ng moral support ang tinalo ni Gretchen Espina (ang itinanghal na First Pinoy Idol).

Taliwas sa inaasahan ng marami dahil kilalang fighter si Jayann, nu'ng kumakanta na ito ay maluha-luha na (dahil kaya alam niyang "talo" na siya sa nakalabang si Gretchen?) at waring gumuho na ang pag-asang makalusot pa para maging First Pinoy Idol.

Samantalang si Rachelle Ann, mukhang natunugan na rin daw na hindi ang kanyang best friend ang iaanunsiyong First Pinoy Idol nang gabing 'yun kaya hindi na hinintay na marinig ang pangalan ni Gretchen at malungkot na umalis kasabay ng pag-iyak sa sinapit ng matalik na kaibigan.

Ang tanong ngayon ay kung magiging magkaibigan pa rin daw ba sina Jayann at Gretchen o magpaplastikan na lang 'pag nagkasama uli?

Well, ganyan talaga sa kahit anong pakontes, may nananalo at natatalo. Kahit anong protesta or reklamo ang gawin ng hindi matanggap na talunan, wala ring mangyayari dahil napgdesisyunana na 'yun.

Kaya better luck next time na lang kay Jayann, dahil si Gretchen Espina ang ibinoto ng marami!

Halaw sa panulat ni Oghie Ignacio sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

di ko masayado pinapanood ang pinoy idol PDA kasi pinapanood ko ang corny kaya ng Pinoy idol