Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 5, 2008

DENNIS TRILLO, KULELAT NA KINA RICHARD GUTIERREZ AT DINGDONG DANTES

DENNIS TRILLO, KULELAT NA KINA RICHARD GUTIERREZ AT DINGDONG DANTES
















HINDI ka talaga puwedeng makipag-argue sa success. Panahon talaga ni Dingdong Dantes ngayon dahil sa dami ng endorsements niya at top rated teleserye.

Actually, isang malupit na secret kung sino ang pupuntahan naming bagong endorser ng Belo Medical Group sa NBC Tent nu'ng Sunday night.

My gosh, super-talbog...si Dingdong pala ang binigyan ng bonggang-bonggang launching. Parang sa kanya lang ibinigay ng Belo ang ganyang kasosyal na even kasabay ng kanyang birthday celebration.

Bulung-bulungan tuloy ng movie press, baka may mainggit na naman sa atensiyon at marangyang launching sa kanya.

Maganda ang konsepto ng launching niya--ala-James Bond. Sabi nga, malaki raw ang nagagawa ng kanyang manager na nakakapag-suggest ng mga konsepto na kakaiba para sa kanyang alaga.

Speaking of Dingdong, inintriga ang sabi ng mga executives ng GMA-7 sa SOP na siya ang 'Prinsipe ng Primetime'. So, ano na ang tawag kay Richard Gutierrez kung siya ang prinsipe? Si Richard ba ang hari?

Saan naman nakapuwest si Dennis Trillo kung "King" si Richard? Prime Minister na lang at poor third nina Dingdong at Richard? Napunta na ba kay Dingdong ang dati niyang puwesto two years ago?

Teka, paano na si Robin Padilla kung si Richard ang hari?

Well...well...well...

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: