Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Dahil sa pang-ookray, controversial beauty queen banned sa isang TV network

Dahil sa pang-ookray, controversial beauty queen banned sa isang TV network

Hindi puwedeng mag-guest sa mga shows ng isang major network ang controversial beauty queen na nagkaroon ng romantic relationship sa isang sikat at magaling na actor. Banned siya sa network at kung for life ito, walang makapagsabi.

Ang kasalanan ni CB (Controversial Beauty Queen) ay nang okrayin ang isang bini-build-up ng network. Nagkasama sa Bench Denim & Underwear Fashion Show ang dalawa at nagtanong si CB kung sino ang makakasama niya? Nang ipakilala ang new talent, ang tanong ay “artista ka ba?” at nang sagutin ng “oo,” mukhang ayaw maniwala.

Next na tanong ni CB ay kung sino ang mas mauuna sa kanila ng newcomer na rumampa at nang sagutin na ang newcomer, nag-dialogue si CB ng “Siguro ninakaw mo ang slot ko,” na ikinaloka ng newcomer.

Hindi alam ni CB na nasa dressing room ang head ng talent center kung saan naka-kontrata ang newcomer. Dinig na dinig nito ang pagtataray ni CB sa bini-build up nilang talent at nakarating sa kina­ukulan ang kanyang pagmamaldita. Ang ending, banned siya sa network at never nang makakapag-guest hangga’t hindi nakakali­mutan ang pang-ookray niya sa talent na bini-build up ng network.

Pilipino Star Ngayon








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: