Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Cristine Reyes to Carlene Aguilar: "Tantanan na niya ako!"

Cristine Reyes to Carlene Aguilar: "Tantanan na niya ako!"

Cristine Reyes to Carlene Aguilar: "Tantanan na niya ako!"
Natutuwa at nagpapasalamat si Cristine Reyes sa magagandang feedback sa kanyang paglabas sa Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos last Saturday. Gumanap siya rito bilang GRO para matustusan lang ang paghahanap sa nawawala niyang ama.



"Thank you po sa lahat ng bumati after nilang mapanood yung MMK episode na iyon. Nag-text din po sina Ms. Linggit Tan, Mama Bear, at iba pa po, at sinabi nilang magaling ang pagkakaganap ko. And I'm happy sa mga papuri nila," masayang kuwento ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sa totoo lang po, halos manhid na ang buo kong katawan dahil sa pagod noong taping. Paano, tatlong oras lang ako nakatulog sa sasakyan patungo sa mga taping ng dalawang TV program ko.

"Feeling ko talaga, tuyung-tuyo na ako. Halos hindi na ako makaiyak dahil sa pagod, e. Kaya nga para makaiyak lang ako ng maayos, sinuntok ko yung cart ng popcorn. Talagang nasaktan ako at dumugo ang kamay ko. Nang makita yun ni Direk [Jeffrey Jeturian], nasabi niya, ‘O, take na!'

"Yung tatlong take nga po ng sampal sa akin ni Tita Dexter [Doria] halos hindi ko nararamdaman dahil sa manhid na ang katawan ko. Kaya natuwa sa akin yung staff ng MMK at binigyan nila ako ng cake. Tinanong ko nga po kung bakit nila ako binigyan ng cake, ang sabi, natuwa sila kasi hindi ako nagreklamo sa mga sampal na talagang masakit.

"Kaya hindi ko talaga makakalimutan 'yong cake dahil first time na nabigyan ako ng cake na hindi ko naman birthday, e," dagdag ni Cristine.



Ayon pa sa younger sis ni Ara Mina, kasama niyang nanood ng naturang episode ng MMK ang rumored boyfriend niya na si Dennis Trillo at pati ang award-winning na aktor ay pinuri rin siya sa kanyang performance.



"Maganda raw po ang acting ko, pasado raw sa panlasa niya. Although nahihiya ako kaya inililipat-lipat ko yung TV dahil baka kulang pa yung acting ko, e, at saka yung role ko kasi GRO. Medyo daring kaya nahihiya ako kay Dennis."



CARLENE QUESTIONS. Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Cristine sa pahayag ni Carlene Aguilar na itigil na niya ang pagbanggit kay Calix (anak ni Dennis kay Carlene) sa mga interview sa press.



Ayon sa dalaga, umiiwas nga siyang mapag-usapan ang anak ni Dennis, kaya lamang ay may mga taga-press na nag-uusisa talaga sa kanya at ayaw ng sagot na "no comment."



Bumuwelta naman si Cristine kay Carlene, nang usisain namin sa madalas na pagkakadadawit ng pangalan niya sa mga interview ng dating beauty queen.



"Siya po ang nauna, palagi nga po siyang may interview, linggu-linggo sa TV pati sa dyaryo. Kaya huwag po siyang mag-comment na ako ang nauna. Pakiusap lang, tantanan na niya ako kung 'yon ang gusto niyang mangyari talaga!"



Ayon pa sa isang malapit kay Cristine, tila enjoy si Carlene na ginagamit si Cristine. Katunayan daw, bago ang insidente sa programa nina Allan K at Jaya na, K, The 1 Million Peso Videoke Challenge, maayos na nagpapalitan ng text sina Cristine at Carlene, kaya nakapagtataka raw nang biglang tinangkang kumprontahin ni Carlene si Cristine sa harap ng maraming tao para makagawa ng eksena at mapag-usapan.



"Mabuti nga at hindi na ito sinabi pa ni Cristine sa publiko, ayaw na kasi niyang palakihin pa ang insidente. Si Carlene lang naman kasi ang gustung-gustong maki-ride on sa publicity kina Dennis at Cristine, e," saad pa ng aming source na malapit kay Cristine.



Iboto kaya ni Cristine si Carlene na isa sa contestant sa Celebrity Duets ng GMA-7, na ang mga contestant ay mananalo sa pamamagitan ng text votes?

"Sa tingin po ba ninyo iboboto ko siya? Sa tingin n'yo lang po, kasi sa tingin ko, ano, e... joke lang po!" nakatawang sagot ng young actress with matching pilyang ngiti pa.

NOT AFFECTED. Lastly, ano naman kaya ang comment niya sa sinabi ni Carlene na hindi siya (Cristine) invited sa birthday ng anak nila Dennis na si Calix.



"Hindi naman siguro ako dapat maapektuhan doon, e. So, okey lang, sa ibang party na lang ako pupunta!" tawa niya.



"Ewan ko ba, bahala na lang siyang magsalita ng kung anu-ano riyan, hindi ako apektado sa kanya. Basta sa amin ni Dennis, walang problema at ayoko namang magmakapal ng mukha na pupunta roon kung may mga taong ayaw akong papuntahin."



Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: