Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Claudine lalayas na ba sa ABS-CBN?

Claudine lalayas na ba sa ABS-CBN?

skin-magazine-cover-claudine-barretto

MAY nasagap kaming balita about Claudine Barretto, pero bago mag-react ang ABS-CBN, we’d like them to know na hindi pa ito kumpirmado.

Isang tismis ang nasagap namin na pinag-aaralan ngayon ni Claudine Barretto na bawiin at huwag nang i-renew ang kontrata niya sa Star Magic ng ABS-CBN. Ang ugat ng lahat, tungkol pa rin sa nakaraang “away” nila ni Angel Locsin.

Ganu’n na ba ka-powerful sa ABS-CBN si Angel para maapektuhan ng ganito si Claudine na homegrown talent ng Dos?

Anyway, ang balita namin, magulo ngayon ang isip ni Claudine dahil sa nangyari. Ayon sa ilang malapit sa aktres, sa tingin nila ay “nagamit” si Claudine sa isyu with Angel at “napabayaan” siya ng Dos.

Totoo kaya ito?

Ang akala namin ay okey na ang lahat pagkatapos magharap nina Claudine at Angel. Pero mukhang hindi pa pala.

Sana ay hindi totoo ang nabalitaan naming ito about Claudine at sa plano niyang pag-alis sa Star Magic. Nakakaloka kasi kung totoo ngang may ganitong isyu.

May balita rin kami na hindi sinasagot ngayon ni Angel ang tawag ng ilang opisyales ng Dos. But in fairness, kahit may “problema” ngayon si Claudine, she’s still very professional sa taping ng Iisa Pa Lamang.

Ang galing-galing din ng portrayal niya sa soap bilang Catherine. Sobra!

LEO M. BUKAS
Journal Online










JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: