Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Claudine Barretto at Raymart Santiago nag-baby sit kina Joshua at Baby James

Claudine Barretto at Raymart Santiago nag-baby sit kina Joshua at Baby James

RAYMART SANTIAGO & CLAUDINE BARRETO (photo by VER PAULINO)

Nakarating din ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago kasama hindi lang ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino kundi pati sina Joshua at Baby James with StarStudio magazine editor-in-chief Biboy Arboleda.

Kasalukuyan kasing nasa bakasyon sa Amerika ang kaibigan ni Claudine na si Kris Aquino at asawa nitong si James Yap, kaya siya rin ang nag-baby sit kina Josh at Baby James mula pa lang sa bahay nila that Sunday afternoon.

Ngayon lang namin nakita ulit si Claudine matapos ang sigalot na nangyari sa kanila ni Angel Locsin. Maganda pa rin at maaliwalas ang aura nito. Pagpasok ng ballroom ay isa-isa niyang binati halos lahat ng kakilala at kaibigan niya. Maya-maya ay inasikaso na niya ang pagkain ng kanyang mga anak at mga anak ni Kris bago siya kumain. Bukod sa kanyang pamilya ay abala pa rin daw sa taping ang mahusay na aktres ng kanyang teleseryeng Iisa Pa Lamang. Bago umalis sa party ang mag-anak ay pinagbigyan muna nila ang mga bisitang gustong magpa-picture sa kanila.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: