Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Chris, walang balak mag-artista

Chris, walang balak mag-artista

Chris Tiu

KUNG anong kinakalog at kinapilyo ni Paolo Contis ay siya namang kina-serious at kina-stiff ng host ng Ripley’s Believe It Or Not (magsisimula sa Agosto 18 sa GMA) na si Chris Tiu.
Matagal nag-isip pero hindi rin nasagot ni Chris ang tanong ni Gorgy Rula ng Startalk kung meron din bang ‘believe it or not’ na pwedeng malaman kay Chris na pwedeng ikagulat ng mga tao tungkol sa kanya.

Sa follow-up ni Gorgy kung may ‘naughty side’ din ba ang mukhang napakabait at napaka-religious na si Chris ay tumawa lang ang binata at wala ring naisagot.
Hiniritan tuloy siya ni Gorgy ng, “So, boring ka, gano’n??” na sinagot ni Chris ng, “Boring ako! Ha! Ha! Ha!”

Dalawa na ang regular shows ng star player ng Ateneo Blue Eagles sa GMA dahil bukod sa Pinoy Records nila ni Manny Pacquiao ay siya ang solo host ng Ripley’s Believe It Or Not (tuwing Lunes nang gabi after Telebabad).
Inusisa namin si Chris tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend na nu’ng makausap namin siya dati ay nabanggit niyang nasa Canada.

“Meron akong dine-date!” ang showbiz answer sa amin ng basketbolista, pero napag-alaman namin na sila pa rin ng kanyang longtime Chinese girlfriend na bumalik na ng bansa mula sa pag-aaral sa Canada.

Ngayong dalawa na ang shows niya, ang sunod ba rito ay itutuluy-tuloy na niya ang pagsu-showbiz at aakting na rin siya?

“No plans, no plans. Parang hindi ko lang makita ang sarili ko na nag-a-act. Hosting na lang!” sagot sa amin ng 23 y/o hardcourt hearrthrob.

Bakit, nababaduyan ba siya sa akting?
“Hindi naman, it’s just not my thing talaga. Hosting na lang at saka basketball! Ha! Ha! Ha!”







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: