Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Carlene, kina-career ang paninira kina Dennis at Cristine!

Carlene, kina-career ang paninira kina Dennis at Cristine!
Written by Chit Ramos

Christine_Reyes_795

SA SOBRANG ILAP ni Christine Reyes sa movie press, hindi kailanman siya nagkaroon ng pagkakataong maihayag kung ano ang tunay niyang damdamin kay Carlene Aguilar, na kina-career na yata ang pang-o-okray sa napakagandang bagong Eva Fonda ng Kapamilya station.
“Umiyak na naman po si Cristine,” anang aming very reliable source.


“Umiyak din po si Dennis (Trillo). Kasi nga po, lalaki siya at ayaw niyang magsalita ng anumang tungkol sa naanakan niyang beauty queen. Naawa na po kasi sila sa kani-kanilang sarili. Tuwing Sabado at Linggo sa mga entertainment talk show, laging may interview kay Carlene. Nilalait-lait si Christine o kaya’y si Dennis.


“Sa totoo lang po, ubos na ubos na si Dennis. Obserbahan na lang ninyo ang kawalan niya ng show, dahil kay Carlene.”


Maliban sa Magdusa Ka halos wala nang trabaho ang dati’y hottest matinee idol ng Kapuso station. Sinira siya nang husto ni Carlene. Nakalimutan yata ng babaeng ito that “it takes two to tanggo!” A man can only go as far as the woman allows him. Kung iningatan niya ang kanyang sarili, hindi siya nabuntis. Pero, ini-enjoy na yata niya na isang Dennis ang nakabuntis sa kanya. Otherwise, hindi siya kasingsikat ngayon. Hindi siya pinag-uusapan. Hindi siya naiimbitahan sa mga talk shows.


“At lalong wala siyang sustento na P30 thou a month. Ganun din ng P200 thousand na hinihingi nito para sa darating na birthday sa September 13 ng anak nilang si Calix. August pa lang, eh, hinihingi na nilang advance ang perang iyon. Paano na lang kung maubos nila bago dumating ang September 13? Hihirit na naman sila kay Dennis?


“Ang worry ko lang po, baka gayahin ng ibang babae si Carlene. Magpabuntis din sa sikat, para makahingi ng sustento. Hindi po ba?


“Totoo rin po na sinira na ni Carlene ang career ni Dennis. Pati role niya sa mga teleseryeng ibinibigay sa kanya ng Kapuso station, hindi na katulad ng dati na matinee idol ang dating niya. Iniilusyon ng mga babae. At above anything else, napakagaling pang actor. Award winning. Actually din po, nakakabawi na naman sana si Dennis, pero, heto na naman si Carlene. Ginamit na naman ang birthday ng anak, para makahingi ng P200 thou. Ewan ko po kung papayag ito sa tawad ni Dennis na kung puede ay P150 thousand na lang muna. Kasi nga humina ang kita niya dahil din sa kagagawan ni Carlene.


“Hindi naman po maramot si Dennis. Sa totoo lang, kahit noong malakas pa ang kita niya, inutangan na siya ng pamilya ni Carlene (Mom ba ni Carlene iyon?). Pinautang naman ni Dennis, P100 thou.


“Hindi lang po si Dennis ang naiiyak kapag humihirit na si Carlene at ang pamilya nito. Pati mga magulang ni Dennis, naawa na sa sarili nila. De numero ang kilos nila kapag gusto nilang dalawin si Calix. Pinapahirapan sila ni Carlene at pamilya nito.


“Ubos na ubos na po talaga si Dinnes, sana maawa naman sila. Tantanan na nila ang paninira kay Dennis sa publicity. Hayaan nilang makabalik uli si Dennis sa dati at baka sakaling maibigay nito ang lahat ng kailangan nilang sustento, gaano man kalaking halaga nito.


“I’m sure, gagamitin na naman ito ni Carlene. Magpapainterbyu na naman siya left and right. As I said, kina-career na po niya ito. Ang nakakalimutan ni Carlene, kung noon ay may simpatiya sa kanya ang publiko, ngayon po ay hindi na. Nakakahalata na ang publiko. Gusto lang pala niyang mag-artista. Mag-showbiz.


“Hindi po lahat ng ginagawa ay nakatutulong kay Carlene. Tulad ng napakataas niyang kilay, kontrabida na po ang tingin sa kanya ng publiko. Soon, magsasawa na po ang publiko sa kanya. Pati mga movie press. Iyon at iyon din po kasi ang naririnig sa kanya. Mayroon na namang a-appear na naanakan d’yan ng isang sikat na aktor. At ito na naman ang pagpi-pistahan sa showbiz.”


‘Yun na!






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: