Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Carlene Aguilar, gagawin ang lahat para buhayin ang anak kay Dennis Trillo

Carlene Aguilar, gagawin ang lahat para buhayin ang anak kay Dennis Trillo
Written by Ambet Nabus

CARLENE AGUILAR & SON CALIX (photo by VER PAULINO)

AMONG THE CELEBRITY Duets contenders ng GMA 7, si MMDA Chairman Bayani Fernando ang pinakamay-edad and yet bukod tanging nakakakanta ng live.


‘Yung mga gaya kasi nina Melanie Marquez, Joey Marquez, Cory Quirino, Carlene Aguilar, JC Buendia, JL Cang, at Phil Younghusband ay aminadong hanggang sa CR lamang may lakas-loob bumirit.


Besides, pinakamayaman rin si Chairman at dahil text votes ang labanan dito to survive, inaasahang pagaganahin nito ang kanyang power and fortune dahil inaamin naman niyang 'exposure' ang rason kung bakit siya sumali.


"Kung makikilala ako ng mas maraming mga tao via this singing contest, kailangan ko na sigurong kariririn din ang pag-vote buy," ang natatatawa nitong tugon sa tip na ibinigay ng isa sa mga judges na si Tessa Prieto na ang lahat, nadadaan sa pagbili ng text votes sans the good singing and performing.


Aminado naman si Carlene Aguilar na bukod-tanging singing contest na lang ang hindi niya nasusubukan.


Lahat na yata ng beauty contests, napasok na niya. Nakipag-compete na rin siya sa sayawan at dahil single mother siya at kailangan niyang buhayin nang maayos ang kanyang anak sa aktor na si Denni Trillo, "Siyempre mangangarir na rin ako para sa premyo. Hindi naman tayo magpapaka-ipokrito na ayaw natin ng cash prize dito," tsika ng beauty queen.
Si MMDA Chairman nga raw ang kinatatakutan niya dahil sa kakayanan nitong makabili ng maraming votes pero sasamantalahin daw niya ang advantage na ito dahil hindi naman daw ganun ka-likeable ng majority si Chairman.


‘Ika nito, "marami din naman po ang naiinis sa inyo dahil sa trabaho ninyo sa MMDA kaya sila na lang ang kukumbinsihin naming magbigay ng boto sa amin."








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: