Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Carlene Aguilar asks Cristine to stop mentioning her son with Dennis in interviews


Carlene Aguilar asks Cristine to stop mentioning her son with Dennis in interviews

Carlene Aguilar asks Cristine to stop mentioning her son with Dennis in interviews
Naikuwento ni Carlene Aguilar sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkatulong sila ni Dennis Trillo sa paghahanda sa first birthday ng anak nilang si Calix Andreas. Sa September 22 ang actual birthday ni Calix, pero sa ibang petsa raw ang party. Kailangan daw kasi nila i-adjust ang celebration sa schedule ni Dennis.

"Ang hirap mag-organize ng party," sabi ni Carlene. "Sana maging masaya ang anak ko at maganda kung nandun si Dennis. Stroller nga ang gift ni Dennis dahil nakalakihan na ni Calix ang stroller niya. Mahal siya, pero nakalimutan ko ang brand, ako pa naman ang bumili."

Imbitado ba ang nababalitang girlfriend ngayon ni Dennis na si Cristine Reyes sa birthday party ni Calix?

"Alam ko, hindi siya invited ni Dennis," sagot ni Carlene. "Regalo na lang sa anak namin, huwag siyang imbitahan. Parang weird lang kung pupunta siya, pero hindi siya nababanggit.

"Narinig ko parang tinanong si Cristine tungkol kay Calix, sana no comment na lang siya. Ang usapan namin, huwag nang magsasalita about the issue; hindi rin naman ako nagsasalita. It's so last year!"

Alam ba ni Dennis na ayaw ni Carlene na pinag-uusapan ni Cristine si Calix at nasusulat pa?

"Nakiusap nga ako kay Dennis na pagsabihan si Cristine na huwag isali si Calix sa usapan. Bata pa yun para ma-drag sa issue, kawawa naman. Naiinis ako ‘pag name-metion si Calix sa write-ups. Bata pa yun para malaman kung sino siya. Makikilala rin naman ng anak ko kung sino siya," medyo inis na wika ni Carlene.

Napag-uusapan ba nila ni Dennis si Cristine?

"Hindi! No mention about her and we don't talk about her. Kapag nag-uusap kami, about the baby lang, his work and my work," diretsong sagot ni Carlene.

Bilang panghuli, inulit ni Carlene ang pakiusap kay Cristine na huwag isasali ang anak ‘pag ini-interview siya. Puwede naman daw mag-no comment ‘pag tinatanong siya tungkol dito. Gusto raw ni Carlene na ilayo sa intriga ang anak na wala pang malay.

"May sarili naman siyang career, yun na lang ang pag-usapan niya at ikuwento sa press. Huwag na niyang isali ang anak ko," pakiusap ni Carlene.




Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: