Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Bukod sa kotse...PACQUIAO, NAMIMIGAY NG P50 THOU NA PANGGASOLINA

Bukod sa kotse...PACQUIAO, NAMIMIGAY NG P50 THOU NA PANGGASOLINA























HANGGANG ngayon ay ipinagmamalaki ni Long Mejia ang kotse na ibinigay sa kanya ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa kanya nga rin namin nalaman na pinsan niya pala ang World Boxing Champ.

"Siya po mismo ang nagsabi sa akin nu'n," say ni Long nang makatsikahan namin sa presscon ng forthcoming 4-night show nila ni Isko Salvador sa Music Museum.

"Tinanong niya (Manny Pacquiao) ako kung talagang Mejia ang apelyido ko dahil Mejia raw ang lola niya. Tapos nu'ng sinabi kong taga-Leyte ang Mejia side namin, siya rin daw. So, sabi niya, 'Mag-pinsan tayo,"'

Binigyan daw siya ng kotse (Toyota) ni Pacman dahil nakita nga raw nito na nagko-commute siya't walang sariling sasakyan. Naibenta raw kasi niya pati ang kanyang kotse during those times na nasa krisis siya.

"Dahil ang salita niya, 'Pinsan kita, ayoko nang wala kang kotse.' Birthday ko nu'n nu'ng ibinigay niya 'yun. May kasama pang tseke 'yun worth P50 thousand para panggasolina ko raw. At hanggang ngayon, nakasuporta siya sa akin. Basta kapag nandito siya, tinatawagan niya ako at binibigyan ng panggastos. Malaking tulong din sa akin lalo ngayong wala namang masyadong raket," sabi ni Long.

Aminado naman ang komedyante na nasa krisis siya at madalang pa sa patak ng ulan ang mga offers. Kaya nga tuwang-tuwa siya nang dumating ang alok na magshow sila ni Brod Pete (Isko) sa Musi Museum at sana raw ay ito na ang hudyat ng kanyang pagbabalik.

Sa gaganaping show sa MM titled Ka Pete na, Ka Long Pa ay itotodo ni Long ang kanyang performance level. Magpapakita siya ng butt sa show dahil ii-spoof nila ni Brod Pete ang Bench Blackout Fashion Show.

Gagayahin niya si Dingdong Dantes na rumampa nang naka-underwear habang si Isko naman ay si Richard Gutierrez ang ii-spoof.

Ngayon pa lang ay naghahanda na raw si Long sa gagawing butt exposure at pupunta siya sa Belo Medical Group. "Makinis na ang puwet ko pero lalo ko pang pakikinisin," say niya.

Sa nasabing show na gaganapin on September 6, 13, 25 and Oct. 2 ay magkakaroon daw sila ng mga guests na bigating stars para sumuporta. Hindi pa nila binabanggit kung sinu-sino pero naka-line up nang kakausapin sina Cesar Montano, Vhong Navarro, Pacman at marami pang iba.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: