Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 10, 2008

Boy Abunda explains there's no problem between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas

Boy Abunda explains there's no problem between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas

Boy Abunda explains there's no problem between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas
Naniniwala at umaasa ang Philippine TV's "King of Talk" na si Boy Abunda na magkakaayos din ang kapwa niya talent at co-hosts na sina Kris Aquino (sa Boy & Kris) at si Ai-Ai delas Alas (occasionally, at The Buzz). Although, inamin niyang hindi naman daw siya masyadong apektado kapag nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang mga taong malalapit sa kanya.

"Sanay na ako, sanay na ako na mapagitnaan ng mga problemang ganyan. Gaya na lang nina Gretchen [Barretto] at Dawn [Zulueta], Kris at saka si Jobert [Sucaldito] at si Cristenelli [Cristy Fermin].

"I come from the point of view of truth, at saka hindi ako nag-iilusyon na meron akong solusyon sa lahat ng problema. Sinasabi ko kapag nahihirapan ako."

Nahihirapan ba siya ngayon kina Kris at Ai-Ai?

"Hindi. Dahil alam kong maaayos. Alam mo kung bakit? Ang pinanggagalingan kasi niyan ay walang masyadong direct participation si Kris, e!

"Ang tampo ni Ai-Ai... ‘Bakit ako?' Remember, nagalit si Ai-Ai kay James dahil kay Kris. Kumampi si Ai-Ai kay Kris. Kuha ninyo? So, walang dapat pag-awayan sina Kris at Ai-Ai. Tampong kaibigan siguro."

Halimbawang hindi siya ang manager or kaibigan ninuman, sa palagay niya, sino ang dapat unang gumawa ng move?

"Hindi laging may tama, hindi laging dapat may sagot sa tanong na sino ang dapat gumawa ng move. May mga mangyayari at mangyayari. Nakuha mo?

"Hindi ito ang tipo ng pagkakataon na...‘Dapat si Ganito ang dapat unang ngumiti sa akin, at si Ganito ang dapat ganyan...'Hindi. May mga pagkakataon na bahagyang ipagsasapalaran ko, pero dapat sensitive ka sa araw-araw na nangyayari.

"Kilala ko si Aileen [Ai-Ai], kilala ko si Kris. Ang sinasabi ko, may mga bagay na hindi ipinipilit, may mga bagay na hindi mo sinasabi na, ‘Ai-Ai, halika nga dito, mag-usap tayo.' Hindi.

"I never do that to Aileen, neither will I do that to Kris, hindi. Huwag mong pilitin, mararamdaman mo ‘yan, e. And wounds can be opportunities for wisdom.

"Aileen is very emotional, ano ‘yan. Ako...alam ko kung maaayos ‘yan at alam ko kung hindi maaayos."

Gaano nasaktan si AiAi?

"Hindi pa kami umuupo ni Aileen. Hindi ko alam kung ano ang nakakarating sa kanya pero ang totoo kasi, ganito ‘yan, di ba?

"Iklaro natin. Si Kris, inimbitahan ni [Direk] Wenn na mag-open ng pelikula ni Ai-Ai. Sabi ni Kris, ‘I'll do it.' Sabi ni James, ‘Bakit mo gagawin? It stars Ai-Ai,' na galit siya.

"Ang [may] problema, si James at si Kris. Then sabi naman ni Kris, ‘Kausapin mo lang ako, kung makakasira naman sa marriage natin ‘yan, magpapasintabi ako at hindi ko gagawin.'

"So, alin ang problema dun? Nasaktan si Ai-Ai dahil sinabi ni James na hanggang ngayon ay magkaaway sila at nasaktan siya, at hindi naman babawiin ni Ai-Ai ‘yun.

"Kung ano ang sinabi niya kay James, paninindigan niya yun dahil sinabi yun ni Ai-Ai on behalf of Kris, dahil si Kris ang kaibigan niya. Wala namang away sina Ai-Ai at Kris diyan, e.

"So if ipa-prioritize ni Kris ang kanyang marriage, naiintindihan namin yun. Pero wala namang away, e. Ang pain ni Ai-Ai ay bakit inuungkat pa ang isang bagay na ang tagal-tagal na, at nagsalita na ako na hindi naman babawiin ni Ai-Ai yun.

"So, I don't see the point. Sa totoo lang pinag-iisipan ko. There's no quarrel.Yung emotion naman ni Ai-Ai na nasaktan siya, naiintindihan ko rin, I understand. Ang mahirap lang nito yung tatawid ka, kasi iba-iba na ang bersyon," tapos ni Boy.




Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: