Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

BLIND ITEM:'Di niya na tuloy very special love kundi hate na..GOWN NA PINAGHIRAPAN NG DESIGNER IPINAHUBAD NI MADIR SA YOUNG SINGER-ACTRESS AT ITINAPON

BLIND ITEM:'Di niya na tuloy very special love kundi hate na..GOWN NA PINAGHIRAPAN NG DESIGNER IPINAHUBAD NI MADIR SA YOUNG SINGER-ACTRESS AT ITINAPON
















BLIND ITEM: IMBUDO ang isang young designer dahil feeling niya ay minaldita at binastos siya ng ina ng young singer-actress.

Isang baguhang young designer daw ang naka-assign para gumawa at magdisenyo ng gown ng actress sa isang special show ng network. At dahil baguhan ay excited ito at talaga namang kinarir ang paggawa ng gown. Halos 'di nga raw ito natutulog para lang maging maganda ang kalalabasan ng susuoting gown ng singer-actress.

Pero nang dumating ang event at ipinasuot ng naturang young designer ang gown sa singer-actress, laking-gulat daw nila nang biglang ipinahubad ito ng ina ng singer-actress nang walang kaabug-abog.

Ang nakakaloka, sabay tapon din dito nang walang sali-salita. Naglabas siya ng dalang gown na siyang ipinasuot sa anak.

Nagulat ang singer-actress sa ginawa ng kanyang ina pero wala naman siyang magawa dahil sunud-sunuran pa rin siya.

Ang masaklap, kahit maliit na pasasalamat o explanation ay walang narinig ang young designer mula sa ina ng singer-actress. Dahil sa nangyari ay 'di raw napigilang mapaiyak sa kahihiyan ng young designer na feeling-nabastos. Nanlumo raw ito dahil nasayang lang ang ginugol niyang oras sa paggawa ng gown na isusuot ng singer-actress.

Hindi raw 'very special' ang love na nararamdaman ng young designer sa nanay ng singer-actress kundi hate na hate na niya ito ngayon.

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

si mommy divine at Sarah geronimo yan!!