Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

BLIND ITEM: Sarap prituhin ang buntot niya...YOUNG ACTRESS, NALUNOD NA SA KASIKATAN,TODO-YABANG NA SUPER-RICH NA NGAYON,IPINARIRINIG PA SA MGA CO-STAR


BLIND ITEM: Sarap prituhin ang buntot niya...YOUNG ACTRESS, NALUNOD NA SA KASIKATAN,TODO-YABANG NA SUPER-RICH NA NGAYON,IPINARIRINIG PA SA MGA CO-STAR


BLIND ITEM: HINDI na basta kuwentu-kuwento lang ang lahat, kahit ang mga dating nakakasama ng aktres na ito ay nakakapansin na ng kanyang pagbabago, totoo raw palang nalunod na sa dagat, este, sa isang basong tubig pala ang babaeng ito.

Sa isang lugar na laging pinupuntahan ng aktres nu'ng hindi pa siya nginingitian ng kapalaran hanggang ngayong kilala na siya ay ramdam na ramdam ng mga tao ru'n ang malaki niyang pagbabago.

"Dati, nakangiti 'yun kapag dumarating. Bumabati siya sa lahat. Pero ngayon, parang wala na siyang kilala, nakasimangot pa siya palagi, totoong nagbago na siya," komento ng mga nagtatrabaho sa nasabing lugar.

Pero ang bago ay kung paano niya ipinagmamakaingay ang kanyang kinikita ngayon, 'yun ang kanyang bukambibig sa dressing room habang kausap ang kanyang alalay, yabang na yabang sa kanya ang mga artistang nakakarinig sa sobra niyang kahanginan.

"Isang dressing room lang ang ginagamit nila ng iba pa niyang mga kasamahang artista kapag guest siya sa isang sexy variety show, kaya kahit anong hina ng boses mo, maririning ng iba.

"Pero, ang babaeng 'yun, parang ipinamumukha pa niya sa ibang mga kasamahan niya na ang yaman-yaman na niya ngayon, ipinagmamakaingay niya ang mga suwerteng dumarating sa kanya.

"May duda nga ang mga kasamahan niya na sadya nilang itinataon ng manager niya ang pag-uusap sa mga panahong maraming nakapaligid sa kanya, e. Kasi, kung kailan marami siyang kasama, ru'n naman tumatawag ang manager niya.

"Sasabihin niya, "Totoo, tito? Hindi pa tapos ang contract ko, may nakaabang na agad sa akin? Sayang nga, iisa lang ang katawan ko, hindi ko kayang gawin ang lahat nang sabay-sabay. Ang dami-dami namang iba riyan, pero ako pa rin ang gusto nila!'

"Maya-maya, 'yung alalay niya naman ang kakausapin niya. 'O, narinig mo 'yun? May gagawin na naman akong bagong endorsement! Milyon na naman ang halaga nu'n, meron daw nag-recommend sa kanila kay ____ (pangalan ng isang batang aktres), pero ako talaga ang gusto nu'ng owner ng company!'

"Para lang siyang nagmo-monologue dahil hindi naman sumasagot 'yung kausap niyang alalay, talk lang siya nang talk, para siyang tangang salita nang salita.

"Kapag gumaganu'n na siya, nagtitinginan na lang ang mga nandu'n sa dressing room, umandar na naman daw si Windy, 'yun ang tawag sa kanya ng mga naiinis sa kanya. Windy talaga, as in, mahangin kasi siya," kuwento pa rin ng aming source.

*****

BLIND ITEM: Aaaawww! Ang sakit nu'n! MALDITANG AKTRES, TINAWAG NANG TANGA ANG ALALAY, BABATUHIN PA NG HAIR BRUSH

Maya-maya, nu'ng palabas na raw ng dressing room ang aktres ay hiningi niya ang brush sa kanyang alalay, iba ang naiabot nito, kaya parang palengkerang sabi ng aktres, "'Yung isa! Tatanga-tanga ka kasi! Hindi 'yan ang kailangan ko, baka ibato ko pa sa iyo 'yun, e!"

"Ganu'n siya kabastos, ganu'n siya kataray, kaya kahit magdenay pa siya tungkol sa kanyang ugali, maraming kapwa niya artistang makapagpapatotoo kung ano ang talagang ugali niya.

"Naku, napakasarap talaga niyang iprito sa kawali, 'di ba? Masarap siyang isawsaw sa kamatis o kaya'y sa suka. Nakakabusog 'yun, mapapasigaw ka na lang ng 'Aaaawwww!!! kapag dumidighay ka na," pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Sapul n'yo na kung sino ang aktres na ito, wala nang mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

i think cristry is referring to Marian Rivera