Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

BLIND ITEM: 'Di na bilyar ang nilalaro, doll na...PA-MACHONG NEWS REPORTER TULUYAN NANG BUMIGAY, NAGPAKASAL SA LOVER NA KANO

BLIND ITEM: 'Di na bilyar ang nilalaro, doll na...PA-MACHONG NEWS REPORTER TULUYAN NANG BUMIGAY, NAGPAKASAL SA LOVER NA KANO


BLIND ITEM: NAGPAKASAL na sa kanyang kabaro ang isang news anchor-field reporter na nagkaroon din ng sariling moment nu'ng nagtatrabaho pa siya sa isang malaking network.

Nu'ng payagan na ang batas ng pagpapakasal ng babae sa kapwa babae at lalaki sa kapwa lalaki sa Amerika ay humayo na ang guwapo pa namang reporter, buong-ningning silang nagpakasal ng kanyang boyfriend, "misis" na ngayon ang dating pa=machong news reporter.

Pero bago ang kuwento ng kanilang pagpapakasal ay sariwain muna natin ang nakaraan ng field news reporter na ito. Nakasama siya sa isang malayong coverage ng ating source, nakakaloka pala ang pagiging banidoso niya.

Kuwento ng aming impormante, "Matagal na naming naaamoy na bading siya, makikita naman 'yan sa kanyang mga kilos, nagpapakalalaki lang siya pero berde talaga ang dugo niya.

"Nu'ng minsang makasama namin siya sa malayong coverage, natawa kami dahil kaming lahat, isang maleta lang ang dala-dala namin. Dalawang araw lang naman kasi kaming mag-i-stay du'n sa palce, pero siya, dalawang maleta na ang dala-dala niya, meron pa siyang malaking bag na hindi niya itsinek-in.

"Dalawa kami sa kuwarto, kaming dalawa ang magkasama, kaya nakita ko kung ano ang laman ng mga bagahe niya. Juice ko, nakakaloka siya, nu'ng isa-isa na niyang alisin ang mga kagamitan niya sa maleta, kung anu-anong mga panlagay pala sa mukha niya ang laman ng mga 'yun.

"Meron siyang mga cream, iba-iba 'yun, meron daw panlagay kapag matindi ang sikat ng araw (read:sunblock) at meron ding panggabi. Ang dami-dami niyang ganu'n!" humahalakhak na kuwento ng aming source.

Pagkatapos ng una nilang assignment ay umuwi na sila sa hotel, napakatagal daw sa CR ng reporter, hindi tuloy alam ng aming source kung nakatulog na ba siya ru'n o kung nagpapakaligaya siya nang mag-isa lang.

"Paglabas niya sa CR, tumawag siya sa room service, nagpapadala siya ng yelo, kailangan daw niya ng ice. Ang naisip ko agad, naku, baka iinom kami, tutal naman, tapos na ang trabaho namin for that day.

"Nu'ng dumating na ang yelo, hindi naman pala kami iinom, gagamitin pala niyang panghilamos ng mukha niya ang yelo. Juice ko, inilakad-lakad niya 'yung bloke ng yelo sa mukha niya, pampaganda raw kasi ng kutis 'yun!

"Pagkatapos niyang maglagay ng cream sa mukha niya, natulog na siya. Natulog na rin ako. Pero nu'ng bumangon ako para mag-CR, napansin ko si _____ (pangalan ng news reporter), meron siyang nakatapal na kung anu-ano sa mga mata niya!

"Meron siyang nakatapal na pipino sa eyes niya, pampaalis daw 'yun ng eyebags, nakakagulat talaga siya. Imagine, kalalaki niyang tao, nagpapaka-macho siya, pero kung anu-anong seremonyas naman ang pinaggagagawa niya!"

Ngayon nga ay misis na ang news reporter, nagpakasal na sila ng kanyang banyagang boyfriend sa Amerika, maligaya na siya ngayon dahil sa wakas ay nakalaya na rin siya sa bilangguang walang rehas ng pagkukunwari noon na lalaking-lalaki siya pero lalaki naman pala ang hanap niya.

Madaling hulaan kung sino siya, napakaigsi lang ng kanyang pangalan, kaapelyido niya ang isang kilalang pulitikong sinasabing tatakbo sa panguluhan sa 2010.

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: