Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Bind Item: “Dating child actor, bading na ngayon”

Bind Item: “Dating child actor, bading na ngayon”

HINDI makapaniwala ang isang sexy young actor na bading na ngayon ang dating child actor na noon ay napapanood niya sa TV. Na-confirm niyang bading ito nang minsang mai-take home siya nito mula sa isang kilalang bar sa Makati.

Kasama raw ni sexy young actor ang kanyang mga kaibigan nang mapunta sila sa naturang bar. Since sanay na nga ang sexy young actor na kapag nalasing ay naiuuwi ng kahit sino. Pero hindi siya libre na naiiuuwi dahil may presyo siya. Raket nga niya iyon since wala siyang masyadong trabaho ngayon sa TV.

Noong tumambay ito sa bar ay nilapitan siya ng isang lalake na hindi naman daw mukhang bading pero pamilyar ang mukha. Mas maganda pa nga raw ang porma ng katawan nito at halos magkasing-tangkad pa sila.

Nag-offer ang lalake sa kanya ng presyo at kinagat naman ng sexy young actor. Since medyo lasing na siya at maganda ang presyo, okey sa kanya.

Nang dalhin daw siya sa condo unit nito, nakita ng sexy young actor ang mga litrato na naka-display. Kaya pala pamilyar ang bading ay dahil dating child actor ito. Naka-display pa nga ang isang trophy nito na katabi ng kanyang mga litrato noong bata pa siya.

Kunwari ay dedma na lang si sexy young actor na kilala niya ang da­ting child actor na bading na ngayon. Nang tawagin siya sa kuwarto ay agad niyang sinimulan ang trabaho sa bading. Alam ni sexy young actor na madatung ang bading.

Hindi naman nabigo ang sexy young actor dahil natuwa ang bading sa kanyang performance at natriple ang bayad sa kanya. Binigay pa nga ng bading ang cell number niya para anytime ay puwede siyang tawagan ng sexy young actor kung feel nitong maulit ang gabing iyon.

Pero bago umalis ang sexy young actor ay tinanong ng former child star na ngayon ay bading kung maire­rekomenda niya ang ilang mga young actors nga­yon na pahada. Kapag nagawa raw niya iyon, may komis­yon siya.

Nag-name drop nga ang sexy young actor ng mga pahadang young actors ngayon at nangako siya na madadala niya ito sa bading na dating child actor.

So ngayon, bukod sa pa-take home na ang sexy young actor, bugaw pa ito ngayon kaya sobra-sobra na ang niraraket niya kahit wala siyang regular na trabaho ngayon.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: